Advertisers

Advertisers

Pagpaliban sa BSKE lusot narin sa 2nd reading ng Senado

0 210

Advertisers

PASADO na sa ika-2 pagbasa ang Senate Bill 1306 o ang panukalang batas na nagpapaliban ng isang taon sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (SK).
Sa nasabing panukala, sina Senador Koko Pimentel at Senador Risa Hontiveros lamang ang bumoto ng “No”.
Matapos ang ‘period of interpellation’ ay hindi na sumalang sa committee amendments ang panukala dahil ito naman ay substitute bill at agad ding dumiretso sa individual amendments ang panukala.
Isang amendment ni Senador Alan Peter Cayetano ang ipinasok ni Senador Imee Marcos kung saan ipinadadagdag ang phrase na ang mga indibidwal na eligible na kandidato para sana sa December 5, 2022 Barangay at SK elections ay pinatitiyak na qualified pa rin sa halalang pambarangay at SK sa December 2023.