Advertisers
Sana naman isapuso ng bawat law enforcement at traffic personnel ang mga programang gagawin ng ahensiya ng Land Transportation Office tulad ng pagpapahusay sa pagtupad sa mga batas trapiko, baka kasi puro pagsasanay hindi naman isasapuso wala din
Tulad ngayon mga Ka Usapang HAUZ hindi na kayang pigilin pa ang nais ng Land Transportation Office (LTO) ang pagsasagawa ng regular na pagsasanay sa mga traffic at law enforcement personnel nito upang mapahusay pa ang kanilang pagganap ng tungkuling ipatupad ang mga regulasyon at batas-trapiko.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, ang regular na pagsasanay sa mga enforcer ay isa lamang sa mga programa sa ilalim ng pamumuno nito na layong tiyaking maipatutupad ng tama ang mga batas para sa kapakanan ng publiko.
“I believe that with the enormous amount of personnel we have, some of them may be lacking in knowledge of traffic law enforcement. That is why we think that conducting trainings and seminars on a continuous basis is the answer. Regular trainings have long been a part of my tenure as LTO Regional Director for 12 years, so I think it’s best to apply the same now that I’m the LTO chief,” ang ganda ng pahayag ni Guadiz diba mga Ka Usapang HAUZ?
Sa kasalukuyan, ang lahat ng traffic enforcers ng ahensya ay sumasailalim sa “once-a-year, live-in seminar” sa loob ng dalawang araw, sa layunin na maging pamilyar ang kanilang mga tauhan sa mga batas na maaaring nagkaroon ng pagbabago at maobserbahan din ang kanilang pag-uugali at kilos sa lansangan.
Planong gawing “mandatory” ang taunang pagsasanay na kahalintulad din sa ibang larangan upang masigurong hindi makalilimutan ng kanilang mga tauhan ang mga regulasyon at batas-trapiko sa bansa.
Sinabi pa ni Guadiz na ang pagsasanay ay hindi lamang nakatuon sa mga enforcer kundi maging sa lahat ng LTO district office chiefs sa bansa upang mahasa ang kanilang managerial skills.
“Proper enforcement of the country’s traffic laws is a must, the LTO being an apprehending agency. The constant and continuing re-training will help the LTO make sure that its traffic enforcers become more efficient and knowledgeable on which specific law to apply and improve traffic apprehension methods on the road,” giit pa ng LTO chief.
Giit pa ni Guadiz na kung ang motorista ay kinakailangan na sumailalim sa pagsusulit bago mabigyan ng pribilehiyo na magka-lisensya ng pagmamaneho ay dapat din na ang kanilang traffic enforcers ay sumalang sa eksaminasyon hinggil sa nalalaman sa mga batas-trapiko.
Hiling lang ng Usapang HAUZ sa butihing LTO Chief na sana ay huwag maging ningas kugon ang naumpisahang programa at gamitan din ng kamay na bakal ang mga tiwaling LTO personnel na hanggang sa ngayon ay patuloy na gumagawa ng korapsiyon sa ahensiya.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036