Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang na matutuloy na ang pulong nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at US President Joe Biden sa United Nations General Assembly (UNGA) sa Estados Unidos.
Inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, na pag-uusapan ng dalawang pangulo ang 76 na mabungang taon ng pagiging magka-alyansa ng Pilipinas at Amerika.
Ayon pa kay Angeles, magiging sentro ng pulong ng dalawang lider ay ang usapin ng mutual cooperation, two-way trade o pagpapayabong sa kalakalan, direct investment o pamumuhunan ng Amerika sa Pilipinas at iba pang mga isyu na kinakaharap ng mundo.
Ito ang unang pagkaka-taon na magkikita at magkakaharap si Pangulong Marcos at President Biden.
(Josephine Patricio)