Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HINDI na tinago pa ni Yasmien Kurdi ang kasiyahan nadarama nang mapanood ang official teaser ng bago niyang teleseryeng ginawa sa GMA 7, ang “Start Up PH” na nakasama niya for the first time ang aktres na napagkakamalan na kakambal niya na si Bea Alonzo.
Hindi lang naman isa, mas marami pang celebrity na nagsasabing look-alike sina Bea at Yasmien lalo na noong pareho pa silang baguhan sa industriya.
Kwento ni Yasmien, isa si Donita Rose noon na napagkamalan siya na si Bea, nang minsan nagkrus ang landas nila sa bakuran ng Kapuso Network, kapwa pa newbies sila sa showbiz that time.
“‘Uy, I watched your movie.’ Sabi ko, ‘What movie? Wala naman akong movie.’ Akala niya si Bea ako! ’Yung time na ‘yon hanggang ngayon, talagang akala ni Donita, sabi niya, ‘Sorry talaga. Akala ko, ikaw si Bea dahil nga sa resemblance n’yo,’” saad ni Yasmien.
Ngayon ay kasama na niya sa proyekto si Bea at tila pinagtagpo talaga silang magkamukha, dahil sa magkapatid ang role nila sa “Start Up PH” na may worldwide premiere ngayong September26 at 8:50pm sa GMA7.
“S’yempre, hindi ko naisip na one day, magkaka-trabaho kami, ‘di ba? Dahil nga we are in two different worlds. Nando’n siya sa kabila, nandito ako sa GMA. So, eto na ang time na hinihingi ng mga fans na sana, maging magkapatid kami in a show. And happy ako do’n din sa part na ’yon,” dagdag na say pa ni Yasmien, the other Bea Alonzo.
***
JINGLE lang ang pahinga para kay Jela Cuenca, dahil siya na yata ang pinakabising sex nymphet sa ngayon sa Vivamax. Hindi lang dalawa but 5 na movies niya ang ginawa na ipalalabas halos kada linggo.
Isa sa movie na tinuring ni Jela na very demanding ay ang movie nila ni Angeli Khang, ang “Girl Friday” na mapapanood na simula sa Sept. 30 sa lahat ng Vivamax Apps.
“Bale ako po yung naging ‘Girl Friday’ dito ni Angeli Khang sa story. Parang assistant nila, assistant sa kama. Husband niya rito si Jay Manalo at husband ko naman si Massimo Scofield. Battered wife po ako ni Massimo. Nahuli siya ni Kuya Jay na nagnanakaw ng baka sa rancho nila at ipinakulong siya. So nagpunta po ako sa kanila ni Angeli at nakiusap na maawa sila sa asawa ko.
In return, maglilingkod ako sa kanila. Ka-threesome nila sa kama,” say ni Jela.
Hindi naman kaya dumating sa punto na sa dami at halos sabay-sabay na pelikulang ginawa niya ay nalito siya sa kanyang mga role?
“Hindi naman po. Kung minsan, lagari nga ako sa mga shooting, so I have to keep on reminding myself kung sino ang ginagampanan kong character sa isu-shoot ko that day. Iba-iba naman po ang characters ko,” dagdag pang say ni Jela.