Advertisers

Advertisers

Charlie tunay na gf ni Paulo, Janine hanggang labtim lang?!

0 249

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KUNG pagbabasehan ang naging usapan ng magkaibigang Jake Cuenca at Charlie Dizon ay masasabing medyo nadulas si Jake at binuking niya na tila may ‘something’ kina Paulo Avelino at leading lady sa movie na ‘Fan Girl’ na si Charlie.
Sa blogsite ni Charlie ay naging guest niya si Jake at nang mag-car tour ang dalawa sa kotse ng aktor ay may napuna si Charlie na isang bag na tila iba ang dating sa young actress. Hindi naman nalingid kay Jake ang naging reaksyon ni Charlie.
“Ito yung bag na bigay sa akin ng leading man mo sa ‘Fan Girl’. Pambawi niya sa akin iyan noong inaayos ko yung problema niyong dalawa!” say ni Jake.
Alam naman ng halos lahat ng Kapamilya actors na very close ang friendship nina Jake at Paulo kaya marami sa ‘sikreto’ ng dalawa ay knows ng bawat isa.
Wala naman pag-amin sa pagitan nina Charlie at Paulo, kaya ang tanong ay nagkaroon ba ng relasyon ang dalawa in the past and still ongoing?
Si Charlie ba ang dahilan kung bakit wala ring pag-amin sa pagitan nilang dalawa ng rumored girlfriend na si Janine Gutierrez?
***
NOW it can be told na ang dating rumored girlfriend ni Diego Loyzaga na si Franki Russell ay ang new loveteam ni Diego sa movie produced by Vivamax, ang “Pabuya” which opens on Oct. 7, directed by Italian-American director Phil Giordano, who previously directed “Pusoy” with Janelle Tee and Angeli Khang.
Si Franki ay na-linked romantically kay Diego pero naging short-lived lang ito dahil ilang linggo matapos maglabasan na nagkakamabutihan na sina Franki at Diego ay naging maingay naman ang tsikang nag-unfriend ang dalawa sa kanya-kanyang social media account. Ano kaya naging pakiramdam ni Franki nang i-offer sa kanya ang isang sexy movie at ang leading man niya ang dating karelasyon, na sa ngayon ay tila sariwa pa rin ang kanilang nakaraan?
“I’m lucky to be working with Diego for my first movie and my first lead role. He is a very experienced actor so i learned a lot from him on the set. It’s great and a lot of fun working with him. And I feel so blessed as I already have a follow up movie,” say ni Franki, na dating Season 8 PBB housemate bago sumabak sa sexy image.
Diretsa ring inamin ni Franki na naging magaan ang working relationship nila ng dating karelasyon.
“Basta doing this movie, I felt it’s a milestone for me. I enjoyed working with everyone on the set and we had a lot of fun bonding together,” dagdag pang say ni Franki.