Advertisers

Advertisers

DJ/model nabuhay ulit para idikdik sa kaso si Vhong; Kim feeling anak ang baby ni Angelica sa tambak na regalo

0 212

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAG-viral ang tweet ng dating DJ/model na si Kat Alano matapos ilabas ang warrant sa kasong rape at act of lasciviousness kay Vhong Navarro.
“After 17 yeats… Finally a glimpse of justice.
“People still thinking, it`s all about money and attention.
“What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY condemned the victim?
“Think about what you did to her if that was the truth.”
”Year 2020 nang ibulgar ni Kat na umano ay ni-rape siya ng isang sikat na celebrity na “rhymes with wrong.”
May tweet pa siyang, “I can finally feel peace today.
“God is good all the time.
“Justice, finally, after 17 years.”
Walang binanggit na pangalan ang former DJ/model pero ilan taon na ang dumaan nang ibulgar niyang ginahasa raw siya ng isang sikat na celebrity.
Samantalang natuwa at tila pang-aasar ang tweet ni Atty Ferdie Topacio, legal counsel ni Deniece Cornejo na kasalukuyang nasa Europe.
Sabi niya sa tweet, “Chilling in Zurich and drinking to Vhong Navarro`s warrant. Congratulations to Ms. Deniece Cornejo. Galing ng lawyer mo. Lakas pa raw ng sex appeal..”
Sinabi rin ng abogado ni Ms Cornejo na, “The issuance of the warrant of arrest against Mr. Ferdinand “Vhong” Navarro is yet another step in our long uphill climb to attain justice for our client, Ms Deniece Cornejo. We have waited more than eight long years for this vindication and while we are elated, we realize that there is still a long way to go.”
Dagdag pa nito. “As for us, we will continue to avail of legal processes in prosecuting Mr Navarro with full respect to the courts, and we serve fair warning to all concerned that we will not take sub justice statement that are contemptuous of the courts without resorting to the remedies under the Rules of Court and disciplinary proceedings.”
Inakusahan ni Deniece si Vhong ng rape sa loob ng kanyang condominium noong January 2014 na mariing pinabulaan ng abogado ni Vhong at sinabi na ang sikat na TV host/actor ang biktima ng illegal detention at grave coercion.
Sinabi rin nito na, “Alam ng Panginoon ang katotohanan.”
Dahil walang bail ang kasong rape ay kasalukuyang nakakulong pa rin si Vhong sa NBI.
***
Vhong itutuloy ang career kapag nakalabas ng kulungan
Pinaninindigan ni Vhong Navarro na wala siyang ginawang masama at nagpasalamat sa kanyang mga fans na patuloy na sumusuporta at naniniwalang wala siyang kasalanan.
Sabi niya sa interview ni Niko Baua na ang kanyang fans ang nagpapalakas ng loob sa biggest challenge ng kanyang buhay na kinakaharap ngayon.
Binanggit ni Vhong sa nasabing interview na patuloy siyang magtatrabaho at patuloy pa rin ang paglabas niya sa It`s Showtime kapag nakalabas na siya Alam daw niya na binigyan siya ng talent ng Diyos para makapagpasaya ng tao at yun ang kanyang gagawin.
Mababasa sa Instagram ni Vhong ang mga comment ng suporta sa kanya at panig daw sila sa sikat na TV host/comedian. Tuluy-tuloy ang kanilang panalangin hanggang mapatunayan na wala siyang kasalanan.
Pero tulad ng inaasahan ay mayroon ding kampi at nagdadalamhati sa sinapit ninaDeniece Cornejo at DJ/model Kat Alano.
Hindi raw gagawa at maglalakas ng loob ang isang babae na ibulgar na siya ay isang rape victim dahil dadalhin niya ito hanggang sa kanyang pagtanda.
Well, nakatutok ang karamihan sa magiging hatol sa kasong rape laban kay Vhong.
***
Isa si Kim Chiu sa mga magiging ninang sa baby girl nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na tinatawag na nilang “Bean.” Hindi pa isinisilang ang baby girl at wala pang binyag ay panay na ang regalo ni Kim sa kanyang inaanak.
Nagulat si Angelica sa binanggit na, “never-ending” regalo ni Kim sa kanyang anak.
Ipinakita ni Angelica isa-isa ang mga regalo ni Kim sa kanyang baby girl at marami ang naaliw sa voice over ni Angge.
“Grabe `yung Ninang Kimmy, hindi po siya nagpakabog sa mga padala. Ayaw po niya yung napag-iiwanan siya, Tingnan po ninyo, akala ko, anak niya. Parang kinakabahan ako, parang pinabitbit lang sa sinapupunan ko ang bata, parang kukunin po niya sa dami po ng kanyang ipinadala,” say ni Angelica.
“Baby mo ba `to, Momsy? Thank you so much talaga, ang dami-dami. It`s never ending, thank you so much, We`re so happy parents, sana, pati educational plan, ipinadala mo na,” dagdag pa ni Angelica.
Samantalang natanong si Kim kung wala pa silang balak ng boyfriend na si Xian Lim magpakasal?
Ang sagot nila pareho ay wala pa raw silang planong magpakasal.