Advertisers

Advertisers

Moira nilinaw, wala nang balak balikan ang ex-mister

0 261

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAPANSIN ng netizens ang paggo-glow at pag-sexy ng singer songwriter na si Moira Dela Torre sa finale ng Idol Philippines.
Inspired din ito nang kantahin ang bagong hit single sa Tiktok na nag-trending.
Mukha kasing may pahiwatig ang awitin at ngangamoy balikan sa pagitan ni Moira at Jason Hernandez.
Daming views nang awitin ni Moira sa Tiktok ang Babalik Sa’yo.
Kaya napaisip ang netizens na tila may magaganap na balikan sa ex couple.
May nangahas magtanong kay Moira kung may posibilidad na magkabalikan sila ng ex mister.
Mabilis na sinagot ni Moira na walang magaganap na balikan at wag daw paapekto dahil kanta lang daw ‘yung Babalik Sa’yo.
Tila may sagot naman ang ex-mister ni Moira na dinaan din sa awitin na may titulo namang Ako Na Lang.
Pero binigyang linaw na ni Moira na walang balikan na nangyayari sa kanila.
Matatandaan na inanunsiyo ni Jason noong May 2022 na hiwalay na sila ng misis na si Moira.
Taong 2019 nang ikasal sina Moira at Jason na nauwi sa hiwalayan.
Well, well, well…’Yun na!