Advertisers
PAKIUSAP ng Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista, maghintay lamang sa pag-release ng plaka ng kanilang mga sasakyan na matagal nang nabinbin.
Sa ‘Kapihan sa Manila Bay’, sinabi ni LTO Special Legal Assistant to the Office of the Assistant Secretary na si Atty. Alex Abaton na humiling na ang LTO ng pondo upang tugunan ang mga backlog sa plaka.
Ayon pa kay Abaton, humirit na ng pondo ang LTO at kasama ito sa budget proposal na isinumite sa Kongreso ng higit P6- bilyon para punuan ang lahat ng backlogs, ngunit P4.7-billyon lamang ang naaprubahan ng Departmemnt of Budget and Management (DBM).
Dagdag ni Abaton, ang mga backlog ay umabot pa mula 2016 pababa kaya naipon.
Gayunman, sinabi ni Abaton na hindi pa ito magtatapos sa Lower House dahil aakyat pa ito sa Senado.
Reaksyon naman ng netizens, “bakit kailangan pang humingi ng bilyon bilyong pisong pondo ang LTO para sa paggawa ng plaka gayung kumukuha sila ng advance payment para sa plaka sa mga nagmamay-ari ng sasakyan. “Doble pa nga ang singil nila sa halaga ng plaka,” sabi ni netizen Mario na limang taon nang naghihintay ng kanyang plaka sa kotse.