Pero lalaban pa rin…Tanya nababahala sa seguridad ng mister na si Vhong pag nailipat sa Taguig City Jail
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA pakikipag-usap ng entertaiment press sa asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Winona Bautista-Navarro noong Wednesday, sinabi nito na nabibisita niya ang nakapiit na asawa sanhi ng kasong acts of lasciviousness at rape na isinampa ni Deniece Cornejo.
“Sobrang positive siya kasi nilu-look forward niya na pupunta ako today. Pero, yun… ano kasi, bago ako umalis, parang” bigla na lang siyang nag-start maging emusyonal.
“Siguro nga ang hirap mag-process ng mga bagay-bagay, wala kang kausap masyado kasi hindi naman niya kilala yung mga nandun (kulungan),” sabi ni Tanya.
Ayon pa kay Tanya, roller-coaster ride ang pinagdaanan nila sa kasong ito may walong taon na ang nakararaan. Ang akala raw nila ay patapos na ito ngunit kabaligtaran ang nangyari.
“Hindi ko alam, hindi ko alam kung paano nila patutunayan ‘tong sinasabi nila. And then, suddenly, may reverse.
“So, alam mo yun, na parang nakikita mo na yung katapusan, e, pero, yun nga, binaligtad. So, same feeling nung before.”
Alam daw niyang consistent at hindi nagsisinungaling si Vhong since day one.
“Nung pumunta siya sa akin, bugbog-sarado siya, kinonfess niya lahat. Since that day hanggang ngayon, sobrang consistent siya sa mga sinasabi niyang kuwento.
“Supported yun ng mga documents or sa kung anumang ebidensiya na ibinigay namin.
“So, hindi ko alam kung anong nakikita nilang probable cause.”
Ilalaban daw nila ang kaso at uunahin nila ang pagsasampa ng petition for bail upang pansamantalang makalaya ang mister.
Natatakot daw kasi sila para sa buhay nito, lalo na’t hiniling ng kampo ni Deniece na kaagad na ipiit sa Taguig City Jail si Vhong dahil doon ito nakatakdang litisin.
Naghihintay pa raw ngayon ang NBI ng commitment order mula sa korte upang mailipat na ang It’s Showtime host.
“Lalaban kami, may case na, e. Lalaban kami at alam ko mapapanalo namin ‘to.
“But for the meantime, at least yung security niya, natatakot ako for him pag malipat siya sa Taguig.
“Gusto ko lang sabihin, alam naman nila yung totoo. Nakita ko kung gaano siya nagsasabi ng totoo kaya pinakasalan ko pa rin siya, so lalaban ako!” diin pang sabi ni Tanya.
***
JANE DE LEON PIKON NA SA BASHERS NA NAG AAKUSANG ‘DI SWAK NA DARNA
NAPIPIKON na pala si Jane de Leon sa mga bashers/detractors niya na nagsasabi na hindi siya bagay na maging Darna.
Sa isang video ni Jane na napanood namin, may isang nag-comment na hindi raw bagay sa kanya na maging Darna, na sinagot naman niya ng,”‘Di ‘wag kang manood. Pinipilit ba kitang manood?”
O di ba, binweltahan ni Jane ang kanyang basher? Halatang napikon na siya.
Ewan ba naman kasi sa mga nagsasabi na hindi bagay kay Jane na maging Darna, e, sa rami ng nag-audition noon na mga artstang babae rin, siya ang napili ng ABS-CBN. Ibig sabihin, bagay sa kanya ang role na Darna, di ba?