Advertisers
Ni BETH GELENA
MAY bagong post si Tom Rodriguez sa kanyang Instagram na binibida niya ang magandang pangangatawan.
Kaya lang kahit halata sa aura ng actor na naka-move on na ito sa nangyari sa kanila ng ex wife na si Carla Abellana, may netizens pa ring galit sa kanya.
“I don’t like you anymore simula nung kumanta ka last vid mo… cringed lol”
Joke naman ang komento ng isa, “My Husband’s Lover”
“Yummy naman pero ano ba gamit nya na phone haha parang cherry ang quality ng front cam, maganda na sa iphone e.”
“Tom Rodriguez is too old for thirst traps”
“Mas nakakahanga pa nga yung mga nasa 30’s and 40’s na maalaga pa rin sa katawan at physically fit. Most men would just let themselves go, mga dad bod.”
May nagtatanong naman kung “Babalik na na siya ng showbiz?”
In fairness, yummy naman ang body ni Tom.
May sitsit kaming nasagap na naghahanda na nga raw na bumalik ng Pinas ang aktor dahil nami-miss na raw nito ang showbiz.
***
RITA DANIELA BOY ANG MAGIGING BABY
Baby boy ang expectorant ni Rita Daniela ng kanyang magiging anak.
Ipinost niya ang sonogram ng baby sa.kanyang.social media.
“My boy, you are an answered prayer. My JUAN ‘Uno’ Rafael,” ani Kapuso aktres sa caption.
“I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita,” lagi niyang sinasabi.
Hindi pa nire-reveal ni Daniela kung sino ang ama ng coming soon baby, pero longtime non-showbiz boyfriend daw niya ito.
***
RONALDO VALDEZ AT BRILLANTE MENDOZA PARARANGALAN NG PMPC PARA SA 2020 STAR AWARDS FOR MOVIES
Pitong mahuhusay na aktres at actor ang nominado para sa 37th Star Awards for Movies.
Para sa Best Actress ay sina Nora Aunor (Isa Pang Bahaghari), Iza Calzado (Tagpuan), Alessandra De Rossi (Watch List) Charlie Dizon (Fan Girl) Lovi Poe (Malaya), Cristine Reyes (Untrue) at Sylvia Sanchez (Coming Home).
Sa Best Actor category naman ay sina: John Arcilla (Suarez, The Healing Priest), Paulo Avelino (Fan Girl), Enchong Dee (Alter Me), Nanding Josef (Lahi, Hayop), Xian Lim (Untrue), Phillip Salvador (Isa Pang Bahaghari) at Alfred Vargas (Tagpuan).
Nakatakda ring igawad ang dalawang natatanging parangal.
Una ay sa beterano at respetadong aktor na si Ronaldo Valdez para sa Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award, at ang ikalawa’y para sa internationally acclaimed director na si Brillante Mendoza para sa Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award.
Ang natatanging pagtatanghal na ito ay pangungunahan ng kasalukuyang pangulo ng PMPC na si Fernan de Guzman, kasama ang sinundan niyang presidente na si Roldan Castro bilang over-all chairman para sa 2020 37th Star Awards for Movies.
Ang petsa ng gabi ng parangal at iba pang mahahalagang detalye ay pormal na isasapubliko sa mga susunod na araw.