Advertisers

Advertisers

2 tulak timbog sa Maynila

0 160

Advertisers

TIMBOG ang dalawang tulak ng droga nang maaresto sa buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency( PDEA) at Manila Police District (MPD) sa Sampaloc, Manila, madaling araw ng Biyernes.

Kinilala ang mga nadakip na sina Francisco Tolentino, 43 anyos, ng 975 Domingo Santiago St., Sampaloc; at Patty Peliño alyas ‘Boss’, 43, nakatira sa nasabi ring lugar .

Sa ulat ng MPD-Station 4, 3:10 nang ikasa ang buybust sa loob ng bahay ng dalawa dahil sa talamak na bentahan ng iligal na droga.



Narekober ang 9 bulto ng shabu na tumitimbang ng 30 gramo at nagkakahalaga ng P204,000.00. (Jocelyn Domenden)