Advertisers

Advertisers

Amasona todas sa engkwentro sa Samar

0 213

Advertisers

PATAY ang isang amasona ng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ng puwersa ng gobyerno sa Silvino Lobos, Northern Samar.

Hindi pa kilala ang biktima na umano’y kabilang sa mga nakabarilan ng tropa ng gobyerno sa Baragay Senonogan de Tubang nitong Setyembre 20.

Wala namang sugatan sa panig ng gobyerno sa bakbakang tumagal ng halos 20 minuto.



Narekober sa pinangyarihan ang isang M16 rifle, explosives, subversive documents, isang mobile phone, at notebooks.

Nagresponde ang military sa sumbong ng mga residente na may plano ang NPA na mag-reorganize at parusahan ang mga kasamahan nilang sumurender at nagbibigay ng impormasyon sa Army.