Advertisers

Advertisers

IT expert tumanggay ng 18 laptops sa Batangas

0 239

Advertisers

WANTED ngayon ang isang IT support na tumangay sa 18 units ng laptops sa pinagtatrabahuhang kompanya sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ng Tanauan CPS ang suspek na si Ross Anthony Malvecino, 25 anyos, naninirahan sa Purok 3, Barangay San Francisco, Sto Tomas City, Batangas.

Batay sa report, mismong ang manager ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Malvecino ang dumulog sa mga awtoridad upang isumbong ang insidente.



Sa imbestigasyon, kita sa CCTV footage ng kumpanya ang pagtangay ni Malvecino sa laptops na nagkakahalaga ng P56,000 bawat isa.

Batay naman sa salaysay ng security guard, nakita niya mismo noong inilalabas ni Malvecino ang mga laptop. Dahilan daw nito ay mayroon itong gagawin o aayusin sa mga naturang unit kaya niya ito inilalabas.

Sa ngayon, pinaghahahanap ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong ‘qualified theft’.