Advertisers

Advertisers

KASWAPANGAN SA KALSADA ANG DAHILAN NG TRAPIK

0 174

Advertisers

NORMAL na halos ang galaw ng lahat, maging ng mga biyahe ng motorista sa ating mga kalsada. At simula na ring bumalik ang pesteng trapik sa ating mga buhay at paglalakbay.

Hindi ang maraming sasakyan o mura at abot-kayang pagbili ng mga ito ang dahilan, kung di ang mismong pag-uugali ng karamihan sa ating mga nagmamaneho o mga may-ari ng sasakyan.

Kaswapangan at kayabangan ang talagang dahilan ng pagka-buhol-buhol ng trapik sa anumang kalsada, dito man sa kamaynilaan o sa mga kanayunan.



Wala ng pag-galang o ‘road courtesy’ ang mga mayhawak ng manibela, mapa-pribado o pampublikong sasakyan. Kahit pa lagyan natin ng mga ‘traffic enforcer’ kada intersection talagang magbubuhol ang trapik. Di ba nga sa KAYABANGAN at KASWAPANGAN ng ibang driver ay sinasagasaan pa ang mga enforcer o kaya naman ay binubugbog.

Maging mga pedestrian o yaong mga naglalakad sa kalye o tumatawid ay di na rin ginagalang ng mga de sasakyan. Ano bang asal ito, sino ba ang inyong mga magulang at ganyan kayo nagsilaki?

Nakakadismaya ang palagian ka nang makakakita ng di nagbibigyang mga driver, nag-uunahan, pareho namang makakarating sa kanilang patutunguhan kung magbibigayan lamang.

Mahalaga ang road courtesy, repleksiyon ito o nagpapakita ito ng pagkatao ng isang nagmamaneho; kung siya ay may talagang respeto.

Kung hindi natin maitatama ang mga pag-uugali natin sa lansangan, ay talaga namang lala pa ang trapik sa anumang kalsada sa bansa.



Sama-sama tayong baguhin ang pag-uugali sa kalsada, para sa atin lahat ito. Matatagalan pa ang paglalatag ng mass transportation, pero gawin at isaugli natin ang road courtesy.

Pagdating ng mas-mainam na mass transport system, bale wala na rin ang ating mga sariling sasakyan na nagbibigay sa atin ng kayabangan at kaswapangan sa kalsada.