Advertisers

Advertisers

Lexi masaya sa mga papuri at mataas na ratings ng Running Man PH

0 249

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

PARA kay Lexi Gonzales, sulit ang pagod ng buong team ng ‘Running Man Philippines’ dahil sa mataas na ratings na nakukuha nila every weekend.
Kita sa mukha ng Kapuso actress ang labis na saya sa panayam nito sa GMANetwork.com ngayong hapon, September 21, sa dami ng papuri at mataas na ratings na nakukuha ng show nila na Running Man Philippines.
Sa katunayan, patuloy na umaakyat ang TV ratings nito tuwing Sabado at Linggo simula pa noong world premiere ng reality show last September 3.
Lahad ni Lexi, masarap sa pakiramdam na nagawa nilang mag-deliver ng isang quality at highly entertaining show.
Aniya, “Sobrang natutuwa kami. I mean, at first kasi nakakatanggap kami ng halu-halong comments and hindi lahat ng comments natatanggap namin positive.
“Although, at the time na nagsu-shoot pa kami sa Korea, sobrang na-appreciate na namin ‘yung mga supporters talaga ng Running Man Philippines. But then, now, it’s overwhelming na nakikita namin ‘yung success ng show. And sobrang masaya kami, kasi lahat ng boss, lahat ng staff, they gave their heart talaga for the show.
“Kaya sobrang natutuwa ako nagpi-pay off ‘yung paghihirap namin.”
Dagdag pa ng StarStruck First Princess, fulfilling na napatunayan nilang mali ang kanilang doubters.
“Yes of course! I mean, part na talaga ‘yun na parang, ‘Oh ‘di ba! Kaya namin ‘to.’ It’s a good show. At first, marami lang nag-doubt, but we’re doing well now. Masaya!”
Tutukan ang makapigil-hiningang episodes ng Running Man Philippines kasama ang iba pang runners na sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Angel Guardian at Ruru Madrid, tuwing Sabado, 7:15 pm at Linggo, 7:50 pm sa GMA.
***
TAMPOK ang life story ng komedyanteng si Tess Bomb sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman o #MPK.
Espesyal din ang episode dahil ang kapwa komedyante niyang si Rufa Mae Quinto ang gaganap sa kanya.
Si Tess Bomb, o Maritess Maranon, ay nakilala bilang isang magaling at masipag na komedyante.
Prayoridad niya na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya kaya ganoon na lang siya kung kumayod.
Dahil dito, napabayaan na niya ang personal niyang kaligayahan pati na ang sarili niyang kalusugan.
Paano siya makakabangon mula dito? Matututo ba siyang alagaan ang kanyang sarili?
Abangan ang kanyang kuwento sa brand new episode na pinamagatang “Laughter and Tears: The Tess Bomb Story,” September 24, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.