Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KASALUKUYANG nasa Milan, Italy si Ruffa Gutierrez para sa isang bakasyon kasama ang bunsong anak na si Venice.
Makikipagkita rin si Ruffa sa ex-mister na si Yilmaz Bektas.
Gusto raw nito makita at makausap ang anak at ang tsika ay balak ulit ligawan ni Yilmaz ang mudra nina Lorin at Venice.
Pabor naman para kina Lorin at Venice na magkabalikan ang mga magulang lalo ang ama na maraming naging babae pero walang pinakasalan.
Kung mangyari ‘yun ay mapupunta na sa 2 anak ni Yilmaz ang kanyang yaman na dapat lang dahil mga legal na anak niya ito.
Pero paano na ang pag-ibig at kaligayahan ni Ruffa na balita na okey na sila ni Bistek.
Magiging wise naman si Ruffa kung pipiliin nito ang ama ng kanyang mga anak na gaganda lalo ang future ng dalawa.
Aprub na rin balikan ni Ruffa si Yilmaz lalo na’t matagal nang napatawad ni Annabelle Rama ang ex ng anak.
Tanong ng netizens, handa naman kaya na isakripisyo ni Ruffa ang sariling kaligayahan alang-alang sa 2 anak? Paano na si Bistek?
***
Frankie 19 na nagkaroon ng branded na gamit
NATUTUWA si Sharon Cuneta dahil ang pangalawa nitong anak na si Frankie Pangilinan ay di mahilig sa branded.
At hindi rin naman niya ito sinanay kahit noon bata pa lang ito.
Hindi nga raw tulad ng Ate KC Concepción nito na mula bata at hanggang lumaki ay puro branded na ang gamit.
Inamin ni Sharon na spoiled ito noong nabubuhay pa ang kanyang Mamita Elaine na ina ni Sharon.
Pero nang tumuntong ng 18 years old na si Frankie ay ipinaubaya na ni Sharon ang desisyon na mamili ito ng gusto niya.
Kaya sa sa post ni Kakie sa kanyang IG ay footwear ang una nitong branded.
Hanggang magkaroon ito ng branded sneakers na Chanel na regalo sa kanya.
Nang mag-college sa ibang bansa doon lang talaga nakitang puro branded ang gamit ni Kakie.
Well, well, well… ‘Yun na!