Advertisers

Advertisers

Nasayang na P1.9 billion taxpayers money (panahon parin ni Duterte)

0 177

Advertisers

PATULOY na naglalabasan ang mga katiwalian at kapalpakan ng nakaraang administrasyong Duterte.

Ang latest ay itong P1.9 billion paunang bayad sa binibiling 17 helikopter ng Pilipinas sa Russia.

Ang government-to-government deal ay hindi natuloy dahil sa maraming rason, isa sa mga dahilan ay ang banta ng Estados Unidos na paparusahan ang gobyerno ng Pilipinas sa paglabag nito sa kasunduan sa Amerika.



Ang problema ay malabo nang ibalik ng Russia ang P1.9 billion advance payment ng Pilipinas. Araguy!!!

At huwag na tayong umasa na maibabalik pa ang napakalaking halagang ito, taxpayers money. Maraming kumamal sa kickback sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nabigong deal na ito. Yes!

Huwag narin tayong umasa na hahabulin ito ng kasalukuyang administrasyong Marcos. Dahil nagsalita na si PBBM na hindi niya pakikialaman ang anumang katiwalian ng mga nakaraang administrasyon. Kasi nga naman kapag nagsalita siya laban sa katiwalian ay bumabalandra sa kanyang pamilya ang kanilang kasong ‘tax evasion’ at ‘nakaw na yaman’. Mismo!

***

Pumasa na sa ikalawang pagbasa ng kongreso ang panukala sa SIM CARD REGISTRATION.



Tama at dapat lang na magkaroon ng registration ang lahat ng sim cards dahil grabe na ngayon ang text scams!

Kapag naging batas ang panukalang ito, lahat ng cellphone users ay kailangan nilang iparehistro ang biniling simcard, kungsaan ay ire-require ang valid ID bago nila magamit ang simcard.

Kapag rehistrado ang simcard ng iyong cellphone, madali nang matukoy ng mga awtoridad kapag ginamit ito sa panloloko.

Kaya kapag naholdap o na-snatch ang iyong cellphone, dapat i-report mo agad ito barangay at pulisya para kapag ginamit ng iba sa kasamaan ang iyong nawawalang cellphone ay hindi ka madiin sa kaso. Okey?

Hopefully sa mga sunod na araw ay maipasa na sa 3rd at final reading ang mahalagang panukalang ito. Do it, mga congressman!

***

Mabuti naman at isinusuko na ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang P650 million intel fund (P500 million sa bilang Vice President) at P150m sa bilang DepEd Secretary).

Gusto ng opposition congressmen na ilagay nalang sa special education ang naturang intel fund dahil hindi napondohan ang SPED sa taon 2023. Tama!

Kung bakit naman kasi humihingi pa ng intel fund itong si VP Sara eh ang intel fund ay para lamang sa military, police at Presidente. Mismo!

***

Nahaharap pala sa kasong overspending si dating Manila Mayor Isko Moreno. Nangyari ito higit isang dekada na ang nakalipas. Ang nag-file ng kaso ay ang Campaign Finance Office (CFO) ng Comelec.

Ayon sa CFO, lumagpas sa expenditure limits na P100,000 si Isko nang kumandidato itong Vice Mayor noong 2013.

Ganito rin ang naging kaso noon ni dating Laguna Governor ER Ejercito, kungsaan tinanggal siya sa puwesto.

Sa kaso ni Isko, posibleng maakapekto ito sa kanyang sunod na pagpalaot sa politika sa 2025.