Advertisers

Advertisers

Adbokasiya ni Sen. Imee makikita sa kanyang vlogs

0 185

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

Last Sunday, September 25 ay iniwan panandalian ni Sen. Imee Marcos ang masaya niyang mga vlog para sa isang seryosong content ukol sa forum na kanyang inihanda para sa ika-50 anibersaryo ng Martial Law na pinamagatang SingKWENTA’T SingKWENTONG Martial Law.
Dinaluhan ang forum ng mga dating military officers at mga leftist rebels para sa isang malayang diskusyon tungkol sa kanilang mga personal na karanasan noong panahon ng martial law.
Dito’y siniyasat ng open dialogue ang kanilang mga natutunan mula sa yugtong yaon ng ating kasaysayan habang binigyan linaw din nila ang mga mito at haka-haka sa pamamagitan ng mga pananaw ni Sen. Imee at ng mga panelist gaya ng mga dating Senador na sina Juan Ponce Enrile, Kit Tatad, at Gringo Honasan.
Maging bahagi ng isa sa mga pinakamamahal na adbokasiya ni Sen. Imee at alamin ang mga bagong katotohanan ukol sa Martial Law sa kanyang perspektibo at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.
Samantala, ang pagdiriwang ni Senator Imee sa kaarawan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ay nagpapatuloy, mapapanood ito sa dalawang bagong vlogs sa kanyang official YouTube channel.
Ang kanyang September 24 vlog ay nakasentro sa kanyang katatapos lamang na pagbisita sa National Kidney Transplant Institute (NKTI), na isa sa mga specialty hospitals na itinayo ng kanyang mga magulang.
Ipinapakita sa vlog na ito ang isang pagsilip sa isang adbokasiya na malapit sa puso ni Sen. Imee na talaga namang nakakakurot ng puso dahil alam niya at ng kanyang pamilya kung paano mamuhay at mag-alaga ng isang taong may karamdaman sa kidney.