Advertisers

Advertisers

Andrea binisto, unang showbiz crush si Paul

0 268

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGKAROON na pala ng crush si Andrea Brillantes at the age of 4. At ito ay si Paul Salas. Sinabi niya ito sa isang interview sa kanya.
Kwento ni Andrea, nag-audition siya noon sa defunct series na Marimar na pinagbidahan ni Marian Rivera. Pero hindi raw siya nakuha.
Nakita naman daw siya ni Dingdong Dantes, at kinuha siya para makasama sa wedding video ng kapatid nito. Nandoon din daw si Paul. At nang makita niya ito ay nagka-crush na siya agad dito.
Ang young actor nga raw ang kanyang first ever crush na artista. At that time na 4 years old pa lang daw siya, may crush na siya.
Pero gusto niyang iparating kay Paul, na kung mapapanood daw nito ang interview niya ay hindi niya na ito crush. At huwag daw itong feeling. Ha!Ha!Ha!
***
MEL NAGTAPAT, SI MARICEL ANG LIWANAG SA BUHAY
ISA sa mga bida sa digital series na Pink, Sun, Seth, si Mel Martinez, na gumaganap bilang si Pink. Mula ito sa direksyon ni Paul Singh Cudail, at produced ng Martha Entertainment Production.
May themesong ang Pink, Sun, Seth titled Natatanging Ikaw. May bahagi rito ng lyrics, na ‘Ikaw ang liwanag sa aking buhay’
Tinanong namin si Mel kung sino ba ang maituturing niyang liwanag sa kanyang buhay aside sa kanyang mga magulang, ang sagot niya,”Para sa akin, ang maituturing kong liwanag, siguro, si Maricel Soriano.
“Kasi as you know, sa amin, sa family ko, when my dad was still alive, my dad went dialysis for 11 years. He died 3 years ago.
“Alam ninyo naman kapag dina-dialysis, mahal ‘yan, ‘di ba?
“Kapag nagme-major operation si daddy, nahihirapan kami minsang makalabas ng hospital, kasi ang bill sobrang taas.
“So, ang liwanag sa amin is my sister, si ate Marya. Although magkaiba kami ng daddy, Soriano talaga siya, ako Martinez. Pero everytime na may mangyayari sa aming ganoon, na hindi kami nakakalabas ng hospital, si ate Marya ang aming saving grace para makalabas ‘yung daddy ko.
“So I will always be grateful sa nag-iisang Diamond Star,” aniya pa.
Bukod kay Mel ang dalawang bida pa sa Pink, Sun, Seth ay sina Athalia Badere at Mico Akashi. Mapapanood na ito simula sa October 12, sa Martha Entertainment Production YouTube channel.