Advertisers
TUMAMBAD nitong Lunes ng umaga ang nakakapanlumong pinsalang idinulot ng super typhoon Karding sa Bayan ng Burdeos, Quezon kungsaan unang nag-land fall ang bagyo Linggo ng hapon.
Mga wasak na bahay, tumbang mga puno at iba pang imprastukturang nawasak sa lugar.
Ayon kay Quezon PDRRMO head, Dr. Mel Avenilla, nitong Lunes pa lamang nagsisimula ang assessment ng mga LGU sa mga pinsalang tinamo ng kani-kanilang bayan partikular sa mga bayan sa Polillo group of islands na nasentruhan ng unang hagupit ng bagyo.
Umaasa ang PDRRMC na makakapagsumite na ng mga tinamong pinsala ang mga naapektuhang bayan kahit hirap sila sa komunikasyon.
Nanatiling wala pa ring supply ng kuryente sa Polillo island kung saan may 3 itong bayan, ang Polillo, Burdeos at Panukulan.
Ganoon din sa 2 pang islang bayan ng Jomalig at Patnanungan.
Nakatutok narin ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapadala ng agarang tulong at pagdagdag ng mga tao na makakatulong sa immediate recovery ng mga nasabing lugar.