CA justices binigyan ng hard hats ng Mla. City Hall – Mayor Honey
Advertisers
PINAGKALOOBAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ng mga hard hats ang mga justices na magagamit nila sa lindol at nangakong marami pang ibibigay ito.
Nabatid na kamakailan lamang ay humingi ng tulong ang mga associate justices na Carlito Calpatura at Maria Elisa Sempio Diy, kapwa ng Court of Appeals mula kay Mayor Honey Lacuna sa pamamagitan ni city administrator Bernie Ang kaugnay ng pananggalang sa ulo na kanilang magagamit sakaling tamaan muli nf lindol ang bansa, katulad nang naranasan nito kamakailan.
Ayon kay Ang , bilang tugon at sa utos ng alkalde, ang pamahalaang lungsod ay nagbigay sa mga justices ng 100 piraso ng hard hats at ito ay dinala sa tanggapan ng kanilang disaster risk reduction management.
Personal na tinanggap nina Presiding Justice Remedios A. Salazar-Fernando, Associate Justice Apolinario Bruselas, Jr., Associate Justice Fernand Lampas-Peralta, Associate Justice Ramon A. Cruz, Associate Justice Maria Elisa Sempio Diy, Associate Justice Louie Acosta, Associate Justice Ronaldo Roberto Martin at Associate Justice Carlito B. Calpatura ang mga hard hats at nagpasalamat ang mga ito kina Lacuna, Vice Mayor Yul Servo-Nieto at Ang sa pagpapakita ng malasakit sa kapakanan ng mga justices.
Nabatid na mismong ang kauna-unahang alkalde ng kabisera ng bansa, kasama sina Servo at Ang ang naghatid ng mga hard hats tanggapan ng Court of Appeals.
Ayon kay Lacuna ay bibigyan din ng parehong uri ng hard hats ang Supreme Court justices para magamit nila sa lindol.
Sinigurado ng lady mayor sa mga justices na ang kanyang administrasyon ay nakahandang magbigay ng lahat ng kailangang tulong para sa proteksyon ng mga justices at ng kanilang mga kawani.
Dahil nasa ilalim ng territorial jurisdiction ng Maynila ang Supreme Court at Court of Appeals ay nararapat na mabigyan ito ng pansin ng lungsod, ayon kay Lacuna. (ANDI GARCIA)