Advertisers

Advertisers

Sunshine at dyowang si Macky, hiwalay na rin

0 237

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAGKAKAUSUHAN yata ang hiwalayan blues sa mga couple sa showbiz. Nagsimula hiwalayan ng mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero, nasundan nina Jericho Rosales at asawang si Kim Jones, nadamay din sa tsikang hiwalayan sina Barbie Forteza at boypren na si Jak Roberto at ngayon naman ay malakas ang bulung-bulungan na hiwalay na rin ang magsyotang sina Macky Mathay and Sunshine Cruz. Napansin ito ng followers ng dalawa nang mapansin na tila nag-unfollow ang dalawa sa kanilang socmed account. Dagdag pa rito nang hindi napansin ang presence ni Macky sa nakaraang 21st birthday ng anak ni Sunshine na si Angelina, samantalang andun naman ang boypren niya last month sa birthday ng isa pang anak ni Sunshine na si Sam.
Nitong nakaraang linggo ay napansin ng followers ng dalawa ang post ni Sunshine na may caption na:
“Everything happens for a reason.
Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.
So much blessings are being given to me and my family after all. Wala akong karapatang mag reklamo,” say ni Sunshine.
Sunshine has been in a relationship with Mathay since 2016. They celebrated their fifth anniversary in September last year while tila tahimik naman ngayong taon na ika-6th year anniversary nila.
***
AFTER almost decades ay muling bibida ang dating Viva Hotbabes na si Andrea del Rosario sa isang sexy movie na kapareha ang dalawang bagets na actor na sina Gold Aceron at Kych Minemoto, sa “May-December-January”, a unique love triangle movie written by Ricky Lee and directed by Mac Alejandre at mapapanood na simula sa Oct. 12.
Sa naturang pelikula ay may mga maiinit na eksena si Andrea sa dalawang bagets, paano kaya pinaghandaan ng aktres ang sexy scenes niya sa 2 bagets?
“It helped na nag-bond muna kami. We went out, we had coffee, kumain together para maging mas magkakilala kami, mawala ang awkwardness sa isa’t isa. So later on, may pinaghuhugutan na kami ng emotions namin,” say ni Andrea.
Knowing na si Andrea ay former vice mayor ng Calatagan, Batangas, hindi kaya maapektuhan ng pagbabalik sexy niya, ang kanyang pagiging pulitiko?
“After I ended my term in 2018 as vice mayor in Calatagan, I never went back to public service anymore as it was quite challenging for me having to be away from my daughter Bea.
I live by the saying ‘live in the now’, so im just focused on my craft as an actress right now and finding the right projects. My first love is acting. I’ve been doing this for almost 30 years,” dagdag pang say ni Andrea.