Advertisers

Advertisers

KAPAG MAY BAGYO, MAY MATIGAS ANG ULO

0 357

Advertisers

NAKALABAS na ang bagyong Karding!

Kahit ilang beses nang ipinanawagan ng gobyerno ang marapat na gawin ng taumbayan tuwing may nagbabantang bagyo ay hindi pa rin maubos-ubos ang mga matitigas ang ulo kahit paulit-ulit na ang paliwanag.

Sa mga mababang lugar, ginawang panuntunan na ng gobyerno ang pagsasagawa ng tinatawag natin na ‘Preemptive Evacuation’ bilang paghahanda sa banta na posibleng idulot ng bagyong tulad ni Karding.



Ganoon din naman ang ginagawa sa mga lugar na malalapit sa baybayin dahil naman sa posibleng pagtaas ng tubig-dagat o nang alon nito na pihadong sisira ng buhay maging ng mga ari-arian.

Hindi rin ligtas ang mga pantalan tuwing mayroong bagyo dahil nakaharap mismo ito sa dagat na anumang oras ay maaring magmarakulyo ang alon kaya naging pamantayan na rito ang pagpapalabas sa mga pasahero patungo sa evacuation area.

Madalas din ipagbawal ang pangingisda bago pa man dumapo ang nagbabantang bagyo dahil malayo pa man ito ay ramdam na ang pagtaas at paglakas ng alon kaya itinuturing na delikado ang maglayag sa mga panahon na ito.

Sa kabila ng mga aksiyon na ito ng gobyerno ay may mga kababayan pa rin tayo na matitigas ang ulo na kadalasan pinagmumulan tuloy ng disgrasya o pagkawala ng buhay na puwede naman sana maiwasan kung sumunod lang sa mga tagubilin.

Minsan may taga-Tacloban ang nagsabi na sa kanilang lugar, kapag narinig na ang bagyo ay agad-agad na umiiwas na sila… ginagawa na ang mga tagubilin ng gobyerno bilang paghahanda sa posibleng delubyong hatid ng bagyo.



Hindi na [raw] kailangan ng Preemptive o Forced Evacuation. Hindi na hihintayin na lumakas pa ang hangin o kaya ay tumaas at lumakas ang alon sa karagatan. Hindi na kailangan pagsabihan o pakiusapan na lumikas o mag-ingat.

Ganyan [daw] silang mga taga-Tacloban. Siguro naman ay alam na natin kung paano naabot ng mga kababayan natin sa Tacloban ang ganoong uri ng ugali kapag may nagbabantang bagyo na papalapit sa kanilang lugar.

Sana ay ‘wag na natin hintayin pa na tumama sa ating buhay ang animo’y bangis ng ‘Yolanda’ bago pa lumambot ang mga ulo sa panahon ng bagyo. Ugaliin na mag-ingat at sumunod sa mga panuntunan ng gobyerno para sa ating kaligtasan.

Sa pagdaan ng bagyong Karding ay naging isa sa nakalulungkot na balitang iniwan nito ay nang masawi ang limang (5) rescuer. Sayang ang buhay ng mga iyon kung ang kanilang sasagipin [sana] na kanilang ikinamatay ay yung mga matigas ang ulo.

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com