Advertisers
HINDI na nakarating pa sa kanyang pupuntahan ang isang drug runner nang maharang ng mga awtoridad sa Bredco port at nakunan ng higit sa P1 milyon halaga ng shabu nitong Linggo sa Bacolod city.
Kinilala ang nadakip na si Rhemhon Sonza, 36 anyos, ng Barangay Patlad, Dumangas, Iloilo.
Sa pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-Western Visayas (PDEA-6), 5:00 ng hapon nang dumating sa Bredco port si Sonza at dumaan ito sa inspection subali’t tumanggi saka nagtungo sa comfort room para itapon ang mga droga.
Agad nagsagawa ng pagsusuri ang mga awtoridad at nadiskubre ang pakete na nakatali na naglalaman ng shabu, may bigat na 150 gramo at nagkakahalaga ng P1.2 milyon.
Iniimbestigahan na ng pulis kung sino ang supplier ni Sonza .
Kasalukuyang nakakulong sa Bacolod City Police Office Police Station 2 ang si Sonza.