Advertisers
NASAWI ang isang principal at tatlong apo nito nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Tubod, Lanao del Norte noong Sabado.
Kinilala ang mga nasawi na sina Charita Cabus, 71 anyos, retired principal ng Tubod Central Elementary School; mga apong sina Roy Jr, 20; Raisa Christine Rona Cabus, 22; at Psyche, 11 buwan, pawang residente ng Purok 1, Barangay Tangueguiron, Tubod.
Sa report ng Tubod Police Station at Bureau of Fire Protection, nagawa pang makasigaw ng tulong ang mag-amang Roy at Cheska subali’t bigo silang makalabas ng bahay dahil sa laki ng apoy.
Sa pagresponde ng mga awtoridad sa lugar, naabutan na halos uling na ang buong bahay at mga sunog na bangkay ng mga biktima.
Tinatayang nasa P500,000 ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.