Advertisers

Advertisers

2 akusado sa Jan. 2020 bombing sa Maynila, laya na

0 180

Advertisers

PINAWALANG-SALA ng Manila Regional Trial Court Branch 3 ang dalawang akusado sa umano’y pagpapasabog sa lungsod ng Maynila.

Sa 59 pahinang desisyon ni Judge Jaime Santiago, kanya rin ipinag-utos ang agarang pagpalaya sa mga akusadong sina Alvin Kadil alyas Sinbad at Remedios Habin.

Ipinasasauli rin ang SUV na pag-aari ni Habin na una nang kinumpiska nang arestuhin ito noong January 05, 2020.



Binigyang-diin ng hukuman ang kabiguan ng pulisya na mapatunayang pag-aari ng mga akusado ang mga sangkap sa pampasabog tulad ng claymore mine, detonating cords, mga granada at baril.

Tinukoy ni Judge Santiago na “fishing expedition” ang nangyari sa operasyon na walang kaukulang warrant at inabot pa ng 5 oras mula nang maganap ang pagdampot sa mga akusado.

Kasama na rin dito ang pagsisiyasat sa kanilang sasakyan na kinakitaan umano ng mga gamit sa paggawa ng bomba.