Advertisers

Advertisers

Buwayang MTPB enforcer sibak sa kotong!

0 210

Advertisers

SINIBAK ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang isa sa kanilang traffic enforcers na nag-viral sa social media na nakuhanan ng video habang nangongotong sa sinitang motorista sa lungsod ng Maynila.

Batay sa nilagdaang memorandum ni MTPB Officer in Charge Zenaida Viaje, binabaan ng termination of service ang traffic enforcer na si Jason Dimatawaran nang makagawa ng iregularidad sa kanyang trabaho.

Inatasan din ni Viaje si Dimatawaran na ibalik ang inisyu sa kanyang Ordinance Violation Receipt (OVR), I.D. at uniporme kay MTPB Chief of Operation Mr. Wilson Chan.



Ang pagkakasibak kay Dimatawaran ay may kaugnayan sa viral video na nai-post online ni Visor na may link na https://fb.watch/fKFefaG2OI.

Batay sa viral video, sinita ng nasabing traffic enforcer ang isang motorista nang mag-beating the red light sa bahagi ng Dimasalang Street.

Tanggap naman ng motorista na matiketan dahil sa nasabing paglabag, ngunit bigla umanong sinabi ng traffic enforcer na i-impound ang kanyang sasakyan dahil malabo ang kopya ng OR/CR.

Ayon pa sa motorista, mapapakiusapan naman daw ang nasabing traffic enforcer sa halagang P5,000 para hindi na ma-impound ang sasakyan at hindi na maaabala pa dahil a-attend pa ito ng seminar.

Dito na nakiusap ang drayber hanggang matawaran ito ng P2,000 kungsaan nakita sa nasabing video ang paghulog ng pera sa helmet ng traffic enforcer.



Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ni Chan ang mga traffic enforcer na mahigpit nilang ipinatutupad ang “one strike policy” laban sa mga tiwaling tauhan ng MTPB.