Advertisers
PATAY ang isang lalaki nang imbitahan at barilin ng kaalitan sa Malabon City, Martes ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdib si Fernando Brucelo Jr., residente ng Area 1, Dagat-dagatan, Barangay NBBS, Navotas City.
Ayon kay Malabon Police chief, Colonel Albert Barot, nadakip ng mga tauhan ng Sub-Station 5 sa follow operation ang salarin na si Jomel Cerbito, 28, truck helper ng Area 3, Hiwas Alley, Brgy. Longos, at nakuha sa kanya ang isang magazine na kargado ng limang bala ng 9mm, habang tinutugis pa ang kanyang kasabwat na si JR Mungkoy, 28, ng Sabalo St., Brgy. 8, Caloocan City.
Sa imbestigasyon, nakita ang biktima at si Cerbito na nagtatalo habang naglalakad sa isang eskinita at pagsapit sa parking lot sa Hiwas St. bandang 11:00 ng gabi biglan ni Cerbito ang biktima.
Ayon kay Col. Barot, positibong kinilala ang salarin ng isang saksi. Matagal ng alitan ang motibo sa insidente kung saan planado umano ni Cerbito na imbitahan si Brucelo sa kanyang lugar para doon patayin.