Advertisers
ARESTADO ang dalawang tulak ng marijuana sa ikinasang joint drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Makati City Police Station (CPS) Drug Enforcement Unit (DEU) at ng Station Intelligence Section (SIS) nitong Setyembre 26.
Sa ulat ng Makati CPS kay Southern Police District (SPD) Colonel Kirby John Brion Kraft, kinalala ang dalawang naaresto na sina Edseleto Montilla alyas “Bentot”, 24 anyos; at Ralph Banaag alyas “Beb”, 23.
Ang buy-bust operation ay ginawa 3:40 ng hapon sa Water Lily St., Brgy. Rizal, Makati City.
Nakuha sa posesyon ng mga suspek ang apat na bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng mahigit-kumulang 5 kilo na nagkakahalaga ng P600,000.