Advertisers

Advertisers

P7.87m shabu huli sa 2 claimants sa Bacoor

0 151

Advertisers

NAGKAKAHALAGA ng P7.87 milyon ng shabu ang nasamsam sa isang claimants sa controlled delivery operation ng composite team ng Bureau of Customs-Port of Clark kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bacoor City.

Kinilala ang naaresto na si Denise Azuk, 29, ng Magdiwang Subd., Brgy. Queens.

Nadiskubre ang iligal na droga sa isang kargamento na idineklarang naglalaman ng “unsolicited gift-baby soft toys for personal use” na dumating ng Sept. 23 mula Victoria, London.



Sumailalim ito sa x-ray at physical examination kungsaan natuklasan ang dalawang piraso ng headdress (sumbrerong may disenyo), isang piraso ng liham at isang yellow-green plastic bag na naglalaman ng dalawang pirasong Star Wars Mandalorian Plush Toy.

Ang bawat item ay may tatlong kulay asul na plastic na naglalaman ng white crystalline powder o methamphetamine hydrochloride base sa positibong resulta ng pagsusuri ng K9 at PDEA

Kakasuhan ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang claimants. (Jocelyn Domenden/Thony Arcenal)