Advertisers
DINAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 64-anyos na Briton na dating nahatulan ng sex offender sa pagpapatakbo ng child sex website sa Pilipinas.
Kinilala ang dinakip na si John Crotty, British national, na naaresto noong Setyembre 15 sa kanyang inuupahang bahay sa Tangub City, Misamis Occidental ng mga ahente ng Fugitive Search Unit and Intelligence Division ng BI sa pakikipagtulungan ng Tangub City Police.
Ayon kay BI Commissioner Norman G. Tansingco, iniimbestigahan din si Crotty sa pamimirata ng mga pelikula nang makuhanan ng mga ebidensiya na nagpapakalat ng malalaswang mga larawan ng mga batang Pilipina sa kanyang website at social media accounts.
Nakulong na si Crotty ng 6 taon sa UK sa kasong sex offender saka ito nagtungo ng Pilipinas nang makalabas ito sa kulungan.
“The arrest followed after receiving official communication from British authorities informing us that Crotty became the subject of an Interpol green notice that was issued last February 21,” ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr.
Ayon kay Manahan, nagtago si Crotty sa Pilipinas simula noong Pebrero 6 nang dumating ito bilang turista at Kabilang na si Crotty sa listahan ng blacklist ng BI at hindi na pinapayagang muling makapasok ng bansa.(Jocelyn Domenden)