Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MULING umingay ang namesung ni Heart Evangelista sa latest post nito sa kanyang socmed.
Umalingawngaw sa dami ng nam-bash sa suot nito na kanyang inirampa.
Nagsuot kasi ng Moschino si Heart na sinabitan o nilagyan ng mga kubyertos.
Kahit ganun ang awra ni Heart ay kanya naman itong inirampa.
Pero maraming na-weirduhan sa black outfit ni Heart na nilagyan ng mga kutsara at tinidor.
Kaya ayon sa mga basher na nagmukha nga raw chaka o pumangit si Heart sa kanyang damit.
Gusto raw kasi ni Heart na pangatawanan ang pagiging fashion icon kaya kahit na anong style ay sinusuot nito para masabi na siyang orig na nag-wear ng ganung style ng outfit.
Pero dito na nga raw sa outfit na ito pumangit si Heart.
Ipinagtanggol naman si Heart ng kanyang fans na hayaan na lang daw ang aktres at carry naman nito, besides ay bayad naman ang pagsusuot niya na nag-viral na nagmukhang weird ang aktres.
***
Macky muling naka-follow sa IG ni Sunshine
NAGING usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz ang hiwalayan nina Macky Mathay at Sunshine Cruz.
May pinagdadaanan nga raw ang relasyon nina Shine at Macky.
Nag-unfollow pa nga sa isa’t isa ang couple.
Pero napansin ng netizens na pina-follow na ni Macky si Sunshine sa kanyang IG matapos ang isang oras na nag-unfollow sa isa’t isa ang dalawa.
Huling nakitang magkasama ang dalawa sa debut ng anak ni Sunshine na si Sam Cruz.
Doon din sa araw ng bertdey ng anak ni Shine nakita ang ex hubby at ama ng kanyang anak na si Cesar Montano kasama ang partner nito.
Wala pa namang kumpirmasyon na hiwalay na sina Sunshine at Macky.
Kapwa tahimik ang kampo nina Shine at Macky sa isyung hiwalay na sila.
Umaasa ang netizens na naayos na kung anuman ang pinagdaraanan ng dalawa.
Well, well, well… ‘Yun na!