Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA Sabado ang pilot episode ng Kalye Kweens, 8:30pm at eere tuwing Sabado sa TV5, at tuwing Linggo naman, 8pm sa Sari Sari Channel. Bida rito ang dalawa sa may pinakamagagandang mukha sa showbiz na sina Alma Moreno at Dina Bonnevie.
Mula ito sa direksyon ni Temi Cruz Abad.
Kasama sa sitcom si Jairus Aquino na gumaganap bilang anak ni Dina. Tinanong namin ang young actor kung hindi ba siya kinabahan nang unang malaman niya na makakatrabaho si Dina na kilala bilang mataray.
Sabi ni Jairus,”Sobrang kinabahan talaga ako kasi nga marami akong naririnig na ganoon sa kanya, na kesyo mataray siya. Pero misconception lang ‘yun. Ang bait niya, sobrang kalog din. Naging close kami, kasi lagi kaming magka-eksena. Mabait talaga siya.”
Parang tunay na anak na nga raw ang turing sa kanya ni Dina.
Nasa pangangalaga ng Viva si Jairus. Paano kung operan o bigyan siya nito ng daring roles since gumagawa ito ng sexy films, tatanggapin ba niya?
“Napag-usapan na namin yan na hindi ako papunta roon (sa daring roles). More on wholesome ang tatahakin ng career ko sa kanila. Saka may pagka-conservative ang family ko kaya hindi rin sila a-agree na mag-daring o magpa-sexy ako sa pelikula,” sagot ni Jairus.
***
KAARAWAN bukas ng entertainment guru at tinaguriang Queen of Entertainment bar na si Genesis Gallios. At bongga ang magiging selebrasyon niya, huh! Magkakaroon kasi siya ng birthday dinner show entitled Reign, na gaganapin sa Manila Hotel Centennial Hall, 7pm.
Special guest niya rito ang crush niya na si Xian Lim, kasama pa sina Vin Abrenica, Madam Inutz at Ima Castro. Tampok din ang Junior New System, Pink Mannequins, Gents Squad, Breezy Boys at ilang surprise guests, na siguradong magiging masaya siya sa presence ng mga ito, dahil malapit ang mga ito sa kanyang puso.
Sino kaya ang surprised guests sa birthday dinner show na ito ni Mommy Gen?
Ang Reign ay handog ng Gergall Events and Talent Management na ididirehe ni Mak de Leon.
Si Mommy Gen ay kilala ring direktor, producer, pageant host at co-owner/Director ng Apollo World Class Male Entertainment & KTV Bar at The One 690.
For more details para sa birthday dinner show ni Mommy Gen, tumawag lang sa 09267212369.