Advertisers
PINAPIRMA ng Chery Tiggo si Jelena Cvijovic ng Montenegro na kanilang maging import sa 2022 PVL Reinforced Conference.
Ang 6-foot-1 outside hitter ay inaasahan na akayin ang Crossovers squad na puntiryang umangat mula sa eight place sa dalawang sunod-sunod na conference matapos masungkit ang unang titulo sa PVL noong 2021.
Si Cvijovic ay nag-umpisang maglaro sa overseas noong 2021 at sumali sa teams sa Serbia,Roamnia, Greece at Turkey, at ang pinakamatagal sa SCM U Craiova sa 2021-2022 Romanian League.
Naglaro siya sa Montenegro sa CEV Volleyball European League at Championship at ang FIVB World Championship — European Qualification.
Walo sa siyam na participating team sa season-ending Reinforced Conference na nakatakdang magsimula sa October 8 ang nagpahayag ng kanilang imports, tanging ang kasalukuyang champion Creamline ang hindi pa pinangalanan ang kanilang reinforcement.