Advertisers
RAMDAM na ang unti-unting paglilinis ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. sa political appointees partikular sa hanay ng gabinete.
Tama na ang 100 days sa mga biglang lumipat sa kanya noong kasagsagan ng kanyang kampanya sa halalan sa panguluhan.
Karamihan naman kasi sa mga inilagay sa puwesto ay hindi raw alam ni PBBM, gawa lang ng nagbitiw niyang Executive Secretary na si Atty. Vic Rodriguez.
Si Rodriguez, dating chief of staff/spokesman at campaign manager ni PBBM, ay binigyan parin naman ng puwesto sa administrasyon, ginawang head ng Presidential Chief of Staff na ang trabaho lamang ay asikasuhin ang mga trabaho ng Pangulo sa araw-araw.
Kinuhang kapalit ni Rodriguez ang honorable at eksperto sa batas, retired Supreme Court ChiefJustice Lucas Bersamin, na hinugot ni PBBM mula sa Government Service Insurance System (GSIS).
Si Bersamin na ngayon ang matatawag na “Little President”, mayroong decision-making powers (na hindi na kailangan ng desisyon ng Pangulo), recommendatory power, at siyang pinakadikit sa Pangulo. Mismo!
Balitang ang sunod na papalitan sa gabinete ay si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, na nabigong makapasa sa Commission on Appointment (CA). Hindi na raw ito ire-appoint ni PBBM.
Ang ipapalit raw kay Trixie ay ang makalaglag-panty na si Atty. Mike Toledo, dating spokesman ni ex-President Joseph Estrada at kasalukuyang head ng Government Relations and Public Affairs of the Metro Pacific Investments Corporation. Graduate siya ng UP Law at Masters of Laws sa London School of Economics. Walang binisa sa kanya ang look-alike na vlogger na si Trixie. Mismo!
Si Trixie kasi ay dating “Dilawan” na naging “Pulahan” nang maramdamang walang panalo si Lenie Robredo kay BBM sa presidential race.
Ang ilan pang matunog na papalitan sa hanay ng gabinete ay yaong mga binasura ng CA few days ago. Ito yung mga may mantsa ng katiwalian sa panahon ni ex-President Rody Duterte. No need to mention kung sino-sino sila. Kilala n’yo narin naman ang mga ito. Tama ba ako, NPC Director Aya Yupangco? Hehehe…
***
Tama lang na palitan na ni PBBM ng mga competent professionals ang mga incompetent “OIC” niya. Tama na ang tatlong buwan sa kanila na tinawag silang Secretary, Undersecretary o Assistant Secretary. Hehehe…
Oo! Kailangang kailangan ngayon ni PBBM ng mga taong may alam, walang mantsa ng korapsyon at eksperto sa larangan ng pagpapatakbo ng gobyerno. Dahil ang mahigit 31 milyon na nagbalik sa Marcos sa Malakanyang ay nag-aabang ng malaking pagbabago sa kanilang buhay. Mismo!
***
Lamang at laging isyu ang pondo sa Barangay at SK Elections kaya ito nare-reset, amyendahan nalang ang Konstitusyon sa Barangay/SK elections. Italaga nalang ng Pangulo ang barangay kapitan/tserman at SK chairman sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG). Wala pang gulo at walang vote buying. Tutal nawala narin ang ‘non partisan’ sa barangay, nagagamit na ang mga opisyal ng mga politiko partikular mayor sa vote buying ‘pag eleksyon.
Sa pag-apppoint ng kapitan/tserman at SK chairman, gawing requirements ang educational background, Police/NBI/Court Clearances at Health Certificate para matiyak na may kakayahan, matino at malusog ang opisyal na tutugon sa problema ng kanyang mamamayan.
Say nyo, mga pare’t mare?