Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
IKINUWENTO ni Yassi Pressman ang mga hirap na pinagdaanan noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
Sa Toni Talks vlog ni Toni Gonzaga ay ikinuwento ni Yassi na nahirapan siyang ma-penetrate ang showbiz na maraming beses na rejection ang kanyang pinagdaanan.
Aniya, nagsimula siya sa pa-extra-extra at umabot pa sa puntong muntik na siyang sumuko dahil pakiramdam niya ay hindi para sa kanya ang showbiz world.
Siya raw ang breadwinner ng pamilya pero hindi talaga sapat ang kinikita niya that time na napakaliit lang, Pinagtapat niya na P1,500 lang ang bayad sa kanya for 3 days work at abonado pa siya dahil kasama na doon ang food, gas, damit. May tax pa raw at siyempre ang commission ng manager.
“So, wala kang pambayad ng make-up artist, hair spray, lahat,” aniya.
“So, sabi ko talaga ate, `isang araw, pupunta ako sa Starbucks at di nila tatanungin kung ano ang pangalan ko,` Yun talaga.
“Sabi ko, `one day, kahit isang tao, isang tao, pagdating ko do`n, `yung gusto ko makukuha ko tapos `di nila tatanungin sa akin ang name ko,” pagtatapat ni Yassi.
Ibinahagi rin niya na ang pinaka-proud moment niya nung nagsisimula siya ay nang mag-extra siya sa commercial nina Kim Chiu at Gerald Anderson.
“Grabe, sobrang saya ko no`n, 40 ang extra nila, isa ako do`n at yun ang proudest moment ko. Sabi ko, “yes, nando`n ako sa likod!” kuwento niya.
Hanggang sa dumating na ang biggest break niya nang isinama siya ng Viva Films sa pelikulang Ang Diary ng Panget with Nadine Lustre and James Reid.
Doon na nagsimula ang pagsikat ni Yassi dahil nagsunud-sunod na ang project niya at sigurado na kapag pumasok siya sa isang resto ay hindi na tatanungin kung ano ang pangalan niya.
***
Gerald binura agad ang comment sa piktyur nina Rayver at Bea
TILA hindi muna tsinek ni Gerald Anderson kung sino ang mga kasama ni Rayver Cruz sa ipinost na mga larawan sa Instagram nito dahil nag-comment siya sa post ng kaibigan na nagtatanong ng, “Without me?”
Kasama kasi sa ipinost na larawan ni Rayver ang picture nina Julie Anne San Jose, Dingdong Dantes at Bea Alonzo.
Sa unang larawan kasi ipinost ni Rayver ay wala at hindi makikita si Bea. Nalaman lang ni Gerald na kasama si Bea nang i-swipe ang post at saka nakitang kasama ang ex-girlfriend niya sa susunod na photo.
Binura agad ni Gerald ang kanyang comment, pero may netizens na nakapag-screenshot kaya nabasa pa rin ang kanyang comment.
Sa first post kasi ni Rayver ay solo lang siya. Sa ikatlong post na larawan ay kasama na si Bea.
Pinag-usapan ng netizens ang ginawang pagbura ni Gerald ng kanyang comment. Kuha ang mga larawan sa Tate na kasama ang apat para sa concert ng GMA Pinoy TV.
Anyway, wala namang masama kung nakapag-comment si Gerald sa naturang photo na kasama ni Rayver sina Dingdong, Julie Anne at Bea. Dahil alam naman siguro ng karamihan at close friends ni Rayver na hindi para kay Bea ang comment na yun ng actor.
Maiintindihan din siguro ni Julia Barretto ang honest mistake ng boyfriend at walang dahilan para siya ay magselos.