Advertisers
HABANG nakaharap ngayon sa samut-saring intriga ang top professional league na PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) kaugnay ng ilang kontrobersya sa pinupunang palakad o unfair system umano sa players at teams ng pamunuan, biglang humirit ang ilang grupo para isulong si ex-NLEX coach JOSSELLIER ‘YENG’ GUIAO sacommissioner’s seat mula nang umingay sa social media.
Balik-RAIN OR SHINE si Coach YENG mula sa NLEX ROAD WARRIORS. ‘Sa dami ng pangit na nangyayari sa PBA ngayon, sure akong isa na ito sa mga konting maganda,’ komento ng beteranong caging coach ng Pampanga.
Komento naman ni 2-time Most Valuable Player JAMES ‘BiG Game’ YAP, ‘ Last national team ko, siya ang coach ko. Mas maganda siguro siya coach ko sa huling season ko sa PBA.”
Marami ang nagpapakita ng pagpabor sa nakaraang panawagan ni Coach YENG na suportahan ang independent teams ( tulad ngROS) sa PBA. Grateful si Coach YENG sa fans na nakapansin sa sitwasyon ng independent teams kumpara sa sister teams o magkakasamangkoponan under one mother company.
Sana masunod ang rules and regulations, kung hindi,bakit pa naglagay nyan?’ ang mensahe ni Coach sa mga puna sa palakad ng PBA. ‘Kung una pa lang sinabi na palakasan ng impluwensiya at paramihan to ng pera, baka di na sumali yung ibang teams. Kaya sumali ang ibang teams, honorable ang mga taong nandito, susunod sila sa mga tuntunin, magiging parehas ang labanan. Kaya may mga independent teams, umaasa sila na ..kung kami sumusunod, dapat sila sumusunod. Yun ang parehas.’
Ibinahagi rin ni Coach YENG na babalik na si JAMES YAP sa koponan, ‘aayusin lang niya ang mga trabaho bilang newly elected councilor ng San Juan City, mahirap pagsabayin especially bago pa lang siya sa SJ Council.’ Basta ayusin muna niya at ituloy ang laro niya for final season sa pro league with RAIN OR SHINE ELASTO PAINTERS.’We’re gonna be patient on him and hintayin namin siya once he is ready.”
‘Sana po, umunlad at gumanda pa ang PBA. Hindi dahil sa maraming napapansin at di nagugustuhan. Tingin ko kaya natin pagandahin kasi mismong audience ang magdedemand sa PBA na pagandahin nila ang liga.
PETISYON KAY COACH YENG
UMAANI ang linya ni Coach YENG GUIAO napinaghuhugutan ng fans para ipetisyon na siya ang dapat mamuno bilang PBA Commissioner. ’Dapat sumunod sa rules, hindi yung palakasan ng impluwensiya at padamihan ng pera, kawawa naman yung independent teams. Kaya nga sila sumali kasi alam nila maganda ang oportunidad kaso nangyayari padamihan ng pera kaya nakukuha ang gusto.’
Kung susuriin ang interviews kay Coach YENG, walangbahid ng interes sa posisyon pero impressive para sa fans ang idininniyang prinsipyo. Well, hindi po biro ang takbo ng hiling ng fans.
Tingin din namin, kahit maraming dismayado sa mga intriga sa PBA, anginstitusyon ay institusyon. Kung may papalitan man sa pamunuan, silapa rin ang magpapasya. Anyway, good thing din po ang may puna paramag-improve, kahit saan naman. HAPPY READING!