Advertisers

Advertisers

Alex Eala nabigo sa kalabang Polish sa US

0 201

Advertisers

NABIGO si Alex Eala sa seventh seed Katarzyna Kawa ng Poland,2-6,6-4, 6-0, upang maagang mapatalsik sa second round ng W60 Templeton sa California Huwebes,(Biyernes sa Manila).

Eala, na nakakuha ng wildcard berth sa $60,000 tournament ay nabigong suportahan ang kanyang opening-set momentum para yumuko sa kanyang higher – ranked na kalaban.

Nagwagi siya sa first-round kontra Israel’s Shavit Kimchi, 6-0,6-0.



Maaga rin napatalsik si Eala sa doubles kasama ang French partner Alice Robbe na sumuko sa American pair nina Madison Brengle at Whitney Osuigwe, 7-6, (3) 3-6, 10-6.

Ito ang unang tournament ni Eala sa women’s circuit buhat ng magwagi sa 2022 US Open Girls Single title.

Nag e-ensayo siya sa Central Coast,California ng ilang Linggo para paghandaan ang nasabing tournament.