Advertisers

Advertisers

Bossing Vic suportado ang pag-aartista ni Tali

0 203

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AMINADO si Bossing Vic Sotto na na-miss niya ang paggawa ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival.
Ilang beses din kasi siyang naghari sa takilya nang maging topgrossers sa takilya ang mga pelikulang ginawa niya para sa nasabing taunang filmfest.
Katunayan may konsepto na raw sila para sa MMFF pero alam niyang hindi ito aabot sa deadline ng naturang festival.
Hopefully, by next year daw ay sasali na siya sa taunang piyesta ng pelikulang Pilipino.
Enjoy naman si Vic sa kanyang bagong family sitcom na Love, Bosleng and Tali na mapapanood tuwing Linggo alas-6 ng hapon sa Net-25.
Bukod daw sa work from home ang set-up ay very comfortable raw ang vibe dahil kasama niya ang kanyang mag-ina.
Ito raw ay bilang pag-obserba na rin sa health protocols lalo pa’t isang senior citizen na rin siya.
Inamin din niyang sa unang konsepto ng show ay siya lang ang solong itatampok pero nang lumaon ay nakita nilang mas feasible na gawing family sitcom ito na magbibigay sila ng mga nakaaaliw na payo sa kanilang letter senders.
Ani Vic, suportado rin daw niya ang pag-aartista ng kanyang bunsong si Tali na enjoy sa kanyang ginagawa.
Pagbabahagi pa niya na ang misis daw niyang si Pauleen Luna ang nagsisilbing acting coach nito.
Tungkol naman sa planong sundan si Tali, hindi raw niya inaalis ang ganitong posibilidad.
Sa bawat episode ng Love, Bosleng and Tali ay ipakikita ang mga isyu na malapit sa puso ng mga Pinoy tulad ng pamilya, buhay pag-ibig, trabaho at pagkakaibigan.