Advertisers
MAGKAKASUBUKAN ng tapang at tigas ng kamao ang dating WBO bantamweight champion John Riel Casimero at ang beteranong Japanes boxer Ryo Akaho.
Sa kaniyang social media inanunsiyo ng Ormoc native ang nasabing laban sa darating na Disyembre 3.
Inaayos pa nila ang kanilang laban kung saan ito gaganapin na maaring sa Japan o sa South Korea.
Mula kasi ng talunin niya si Guillermo Rigondeaux noong Agosto 2021 ay hindi pa ito lumaban.
Magugunitang nakatakda sana nitong idepensa ang kaniyang WBO crown laban sa mandatory challenger na si Paul Butler pero nagkaproblema ito sa kaniyang timbang kaya tinanggalan ito ng title.
Si Akaho ay mayroong 39 panalo, dalawang talo na mayroong 26 knockouts.
Habang mayroong 31 panalo, apat na talo at 21 knockouts si Casimero.
Dagdag pa ni Casimero na kapag manalo ito ay posibleng makaharap nito si Naoya Inoue.