Advertisers

Advertisers

Curry ‘di Under sa Nike!

0 242

Advertisers

Si Steph Curry na isa top 5 na NBA player ay wala sa pangkat na Nike ang tatak dalang sapatos. Oo hindi kabilang ang 3- point king sa stable ng numero unong brand pagdating sa lifestyle. Under Armour ang marka na bitbit ng may suot ng jersey # 30 para sa Warriors.

Pero may interesanteng kwento kung bakit nagkaganoon.

Ang totoo sa unang apat na taon ng utol ni Seth ay ang may swoosh na logo ang iniendorso.



Natural na bilang No. 7 sa draft noong 2009 ay pinapirma siya ng isa sa best-selling name sa buong mundo.

Pero komo hindi ganoon kaimportante ang dating niya sa higanteng manufacturer ay naramdaman ito ng mga Curry.

Una na mispronounce ng isang exec ng Nike ang first name niya sa presentation para sa renewal. Hindi man nakorek ito.

Pangalawa wala sa bagong kasunduan ang pag-sponsor sa isang youth basketball camp gaya ng binigay kina Kyrie Irving at Anthony Davis.

Pangatlo ay nababaan sila sa nilatag na $2.5M.



Pang-apat careless ang mga taga-Nike dahil sa isang bahagi ng audio-visual pitch ay naiwan pangalan ni Kevin Durant. Hindi napalitan ng Steph Curry. Isang signal na mababa tingin sa anak nina Dell at Sonya.

Pagkatapos ayaw pantayan ng Nike ang offer ng Under Armour Hayun nagkamayan ang tagapamahala ng UA at mga Curry.

Mula noon tumaas ang presyo nila sa stock market at sumunod doon ay napagkatiwalaan sila ng Major League Baseball.

Bilang pasasalamat sa mahusay na 6’2 na shooter ay pinagkalooban siya ng stock certificate.

Si Stephen naman sa tuwa ay nag-dodonate ng pondo sa Nothing But Net na proyekto kontra sa malaria sa Africa. Kung ilang tres ma-shoot niya ay ganoong halaga ang tulong niya para dumami mga kulambo na may anti-malaria treatment. Ang team niyang Golden State ay umalalay din sa pagdoble ng pera na na-raise ng kanilang superstar.

Ngayon nga-nga mga taga-Nike. Dahil diyan tinatayang aabutin ng $14B ang nawala sa kanilang negosyo.

Kaya ingat mga taga-management diyan sa pag-choose ng commercial model.

Narinig ba ninyo yan mga manager ng Shopee. Hehe.

***

Noon nangako tayo na panoorin ang pelikulang Hustle ni Adam Sandler at Juancho Hernangomez sa Netflix para ma-review dito. Natagalan tayo bago nasaksihan ang basketball movie sa dami ng inaasikaso.

Kahapon nakatiyempo tayo oras. Sa Martes na pitak ito magiging paksa natin.

Hindi pa rin palabas sa mga sinehan ang film na tinatampukan ng maraming taga-NBA.

Mga aktibong sina Anthony Edwards, Boban Marjanovic, Trae Young, Jordan Clarkson, Khris Middleton, Kyle Lowry, Seth Curry, Luka Doncic. Pati mga retiradong sina Allen Iverson, Julius Irving, Charles Barkley, Shaq O’Neal at Dirk Nowitzki.