Advertisers

Advertisers

Dahil Action King ang amang si FPJ…Lovi binansagang Action Queen

0 220

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SIMULA nang pasukin ni Lovi Poe ang showbiz ay ang yumaong amang si Da King Fernando Poe, Jr. ang kanyang idolo at kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais din niyang maging isang action star tulad ng ama.
Tila unti-unti namang nagkakatotoo ang pangarap ni Lovi dahil napansin ng viewers na pasok ang byuti ni Lovi sa mga maaksyong eksena sa latest seryeng ginawa niya, ang ‘Flower of Evil’ ng Kapamilya kasama sina Piolo Pascual, JC de Vera at Paulo Avelino.
Isang police officer kasi ang papel ni Lovi na nasabak sa mga matitinding action scenes. At sa mga komentong natanggap ni Lovi sa kanyang socmed account ay tinawag siyang ‘action queen’ ng kanyang mga followers, may nagbansag pa sa kanya na LPJ, derived sa bansag kay Da King na FPJ at may nagsabing siya na nga raw ang ‘Da Queen’.
Ano naman kaya ang reaksyon dito ni Lovi?
“At least for the duration of this series, I fulfilled my dream of being an Action Queen. I really enjoyed having that illusion, even if it’s just for a short moment,” say ni Lovi.
Pinasalamatan din ni Lovi ang mga taong nakasama sa ‘Flower of Evil’ dahil sa tulong ng co-stars ay napansin ang kakayanan ni Lovi lumabas sa maaksyong eksena.
“I loved working with all my co-actors in the show because they were extremely dedicated to the project, Piolo Pascual, my leading man, was very supportive and encouraging, and so were Paulo Avelino, JC De Vera and the rest of the cast,” dagdag na say pa ni Lovi.
***
HINDI na rin naman matatawaran ang angking galing ni Gold Aceron pagdating sa akting at mapangahas na eksena na may hubaran. Nanalo na rin siya ng akting award sa pelikulang ‘Metamorposis’ na gumanap siya bilang isang lalakeng may dalawang kasarian.
Pero tsika sa latest movie na ginawa niya under Viva Films,ang “May-December-January,,” a different type of love story kasama sina Andrea del Rosario at Kych Minemoto, streaming starting October 12, hindi si Gold ang original choice na gumanap sa kanyang karakter sa naturang movie, kundi ang equally talented young actor na si Elijah Canlas, na dahil hectic ang schedule ay na-turndown ang offer.
“Okay lang sa’kin kahit hindi ako ang first choice kasi I’m just grateful na sa akin napunta ang role ng Paul. Sobrang ganda ng role at ng movie and I’d regret it kundi ko ito nagawa,” say ni Gold.
Ang isa pang challenge para kay Gold at sa mga kasamahan niya sa naturang pelikula ay sa mga sinehan ito ipalalabas at hindi lang sa streaming apps ng Vivamax.
“I believe in our movie. Relatable ang story about love at nangyayari naman ito sa totoong buhay, lalo na kapag ang topic is love. The script is written by National Artist Ricky Lee and directed by award-winning filmmaker Mac Alejandre, so I believe may laban kami sa takilya,” dagdag na say pa ni Gold.