Advertisers
Tapos na ang legalidad sa pamamalagi sa mahigit 1,000 ektaryang lupain ng isang maimpluwensiyang asendero sa pamamagitan ng FOREST LAND GRAZE MANAGEMENT AGREEMENT (FLGMA) NO. 122 nitong 2018.., kaya nagpapasaklolo na ngayon kay PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ang MANOBO-PULANGIYON TRIBE na maibalik na sa kanila ang lugar na pag-aari ng kanilang mga ninuno sa QUEZON, BUKIDNON.
Sa isinagawang press conference kahapon ng MANOBO-PULANGIYON na pinangunahan ng AMNESTY INTERNATIONAL ay nanawagan ang naturang tribo sa pangunguna ni DATU ROLANDO ANGLAO na maibalik na sa kanilang tribo ang pagmamay-ari sa lupain ng kanilang mga ninuno.
Batay sa pahayag ni DATU ANGLAO.., noong taong 1920, ang kanilang mga ninuno ay pinakiusapan daw ng asenderong si DON MANOLO FORTICH na hihiramin ang lupain ng kanilang tribo. Verbal agreement lamang umano sa pagitan ng mga TRIBAL LEADERS at ni DON FORTICH para gawing bakahan ang lugar.., na makaraang.pumayag ang mga TRIBAL LEADER sa 30 years na ipahihiram nila ang kanilang lupain ay doon naman na binakuran ang lupaing pag-aari ng.mga.katutubo.
Natapos ang 30 years na verbal agreement ay hindi na isinoli pa sa mga katutubo ang lugar at noong 1986, ang lupain ay nirentahan naman ng KIANTIG DEVELOPMENT CORPORATION (KDC) na dating kilala bilang CESAR FORTICH INCORPORATED .
Ang pag-upa noong 1986 ay sa bisa ng awarding na FLGMA na produkto ng SHARING AGREEMENT sa pagitan ng QUALIFIED ENTITY at ng GOVERNMENT upang idevelope, i-manage at magamit bilang pastulan o graze land.., kung saan ay nagtapos ang FLGMA noong taong 2018.
Bunsod niyan ay kumilos na ang tribo sa pangunguna ni DATU ANGLAO para sa legalidad na maibalik na muli sa kanila ang lupaing pagmamay-ari ng kanilang mga ninuno.., na 6 na beses nang nagkaroon ng dialogue sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.., subalit hanggang ngayon ay wala pa ring kalinawan.
Ngayong October ay inaasahan ng tribong MANOBO-PULANGIYON na matatanggap na nila ang CERTIFICATE OF ANCESTRAL DOMAIN TITLE (CADT)
Wish ng ARYA na maipagkaloob na sa naturang tribo ang kanilang CADT.., pero kasunod niyan dapat ay maasistehan siila ng NATIONAL COMMISSION ON INDIGENOUS PEOPLES (NCIP) kasama ang ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) at ng PHILIPPINE NATOONAL POLICE (PNP).., siyempre pa, importante riyan ang pangunguna ng DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) dahil ang MAYOR sa lugar ng mga katutubo ay kapanalig at taga-depensa raw ng KDC.. yan e ayon sa pahayag ng mga katutubo.., kasi ang opisina raw ng KDC ay nasa bahay ng kanilang kasalukuyang MAYOR?
“Now the local government is red tagging us and continues to vilify us.., but we have been working with the DENR, NCIP and even asked for protection from the AFP’s 88IB. We are only demanding for what is rightfully ours as recognized by the NCIP where they ranted as our Certificate of Ancestral Domain Claim recognizing that we have rights over the land,” pahayag ni DATU ANGLAO.
Ipinunto naman ni AMNESTY INTERNATIONAL PHILIPPINES SECTION DIRECTOR BUTCH OLANO, na ang mga katutubo ay ang karapatan nila sa lupain ang ipinakikipaglaban na dapat mapagtiunan ng gobyerno.., sa halip ay harassment pa ngayon ang dinadanas ng mga MANOBO upang tuluyang masindak ang mga ito at huwag nang makabalik pa sa lupain ang mga katutubo.
Pero.., kawawa ang mga katutubo sa kagagawan ng mga GANID na personalidad na kung hindi mareresolba ng kasalukuyang administration e dadami.lalo ang magretebelde…, huuuppsss iba naman ang mga terorista.., kaya ang naturang mga katutubo ay huwag ikategoryang mga terorista., dahil ang ipinaglalaban nila ay ang kanilang RIGHTS sa kanilang ANCESTRAL CLAIM!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.