Advertisers

Advertisers

MABILIS NA AKSIYON NG MEDIA SECURITY VANGUARD

0 170

Advertisers

PATULOY nating pasasalamatan ang Philippine National Police (PNP) sa pakikiisa nitong makabuo tayo ng Media Security Vanguard sa bawat rehiyon sa bansa.

Sila kasi ang maagap na nakapag-imbestiga at nakadakip sa suspek sa pagpatay sa kabaro nating si Renato Blanco, isang radio broadcaster ng POWER 102.1 DYRY RFM na nakabase sa Mabinay town, Negros Oriental.

Sa pagtutok ng ating pinamumunuang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) si Blanco ay napaslang ng isang nagngangalang Charles Yanoc Amada gamit ang isang sampung pulgadang patalim sa loob ng tirahan ng biktima sa Barangay Himocdongan noong nakaraang Linggo.



Sa initial report ng PNP na pinadaan kay Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, Chief Media Security Vanguard, at Police Regional Office (PRO) 7 Vanguard, Lt. Col. Maria Aurora L Rayos, naagapan at mabilis na nahuli ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya na sa Mabinay Police Station.

Ang pagtatalaga ng mga high-ranking PNP officials bilang Media Security Vanguards ay bunga ng pagtutulungan ng PNP at PTFoMS para proteksiyunan ang bawat kasapi ng media sector. Naisagawa ito noong una, para sa kasigurahan ng mga mamamahayag sa pagsubaybay sa mga kaganapan ng nagdaang halalan. At sa kabutihang palad, walang gaanong karahasan na naitala ang PTFoMS noong eleksiyon.

Habang patuloy na tututok sa mga ganitong kaso ang PTFoMS, lubos rin itong nakikidalamhati sa mga naulila ni Blanco, at nangangakong magbabantay sa kahihinatnan ng kaso hanggang sa makamit ng mga naulila ng biktima ang hustisya.

Patuloy pa rin ang pagbabantay ng PTFoMS sa mga kahalintulad na kaso at patuloy na makikipag-ugnayan kina Alba at iba pang Vanguards.

Pinasalamatan din ng PTFoMS sina officer-in-charge, Col. Jonathan Pineda at Senior Master Sgt. Algen Daniel ng Negros Oriental Police Provincial Office, sa mabilisang imbestigasyon nilang isinagawa hinggil sa insidente.



Sa pagsisikap ng PTFoMS, lahat ng Public Information Officers (PIO) ng PNP ay naitalaga ring Focal Persons nito lamang January, kasama na ang pagtatalaga kay Alba bilang hepe ng mga vanguard.

Sila ang mga nakikipag-ugnayan sa mga PTFoMS Special Agents upang mapabilis ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga kaso ng karahasan laban sa mga miyembro ng media.

Muli, maraming salamat sa inyo, mga Sir!