Advertisers

Advertisers

MANILA MAYOR LACUNA KINASUHAN NG ‘PLUNDER’ SA NCAP!

0 260

Advertisers

HINIHINGI ni Atty. Alex Lopez sa Ombudsman na utusan nito ang lokal na pamahalaan ng Maynila na ibalik sa mga motorista ang ibinayad na multa sa ‘No Contact Apprehension Policy’ ng lungsod.

Bahagi ito ng nilalaman ng reklamo ni Lopez sa ‘plunder’ case na isinampa niya laban kay Manila City Mayor Honey Lacuna.

Sa pagtaya ni Lopez, daan-daang milyong piso ang nakolekta ng City Hall ng Maynila mula nang ipatupad ang NCAP sa lungsod.



Kinuwestiyon din nito ang hatian ng Maynila at private contractor ng mga camera, kungsaan 60 percent ang mapupunta sa contractor habang 40 percent lamang ang sa lokal na pamahalaan.

Nilinaw din niya na walang halong pulitika ang ginawa niyang pagsasampa ng kaso bagkus nais lamang niya tulungan ang mga motorista, na naging biktima ng iligal na ordinansa ng lungsod.

Dagdag pa ni Lopez, lokal na pamahalaan ng Maynila lamang ang kanyang kinasuhan dahil dito siya residente, at wala naman siyang impormasyon sa ibang lungsod.

Maliban sa balik multa, hinihingi din ni Lopez ang agarang pagsuspinde kay Lacuna bilang alkalde ng Maynila, dahil sa paglabag sa ‘conduct unbecoming of public official’, paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act at maraming iba pa.

Bukod kay Lacuna, isinama din niya sa mga kinasuhan si dating Manila Mayor Isko Moreno, ang unang nagpatupad ng ordinansa noong alkalde pa ito.



Tumanggi naman si Atty. Princess Abante, ang tagapagsalita ni Lacuna, na magbigay ng komento, dahil dadalhin niya raw muna ito sa legal department ng city hall.