Advertisers

Advertisers

PAANO NAPAPANATILI NG NCRPO ANG ‘PEACE AND ORDER’ SA METRO MANILA?

0 259

Advertisers

NAKASALALAY sa pangangalaga ng Philippine National Police (PNP) ang kaayusan at katahimikan sa ating bayan.

Ang nangyayari tuloy, sa pulis binabagsak ang sisi kapag may nangyayaring krimen.

Agad na hinahanap ang mga alagad ng batas at pinararatangang pabaya sa tungkulin.



Ang iba’y sinasabihang tutulog-tulog sa pansitan, tolongges, pulis-patola at kotong cops.

May ilang nakakaranas ng pangingikil kaya ang tawag nila sa PNP ay “Pahingi ng Pera.”

Nasasangkot din ang ilang pulis sa iba’t ibang krimen, naglalasing at naghahatid ng takot sa mamamayan.

Ngunit mas marami pa ring mararangal at matitinong pulis.

Sila ang mga kakilala kong parak na laging isinasapuso at isip ang motto ng PNP na “To Serve and Protect.”



Kahit saan at kahit kailan, laging tapat sa tungkulin, maaasahan at may dignidad.

Sa ilalim naman ng liderato ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin, nakabibilib din ang ‘holistic approach’ sa kampanya laban sa ipinagbabawal na droga at kriminalidad.

Nang maupo kasi sa puwesto si Azurin, isa sa mga marching orders niya ang pagbuhay sa “MKK=K” framework kung saan nakapaloob dito ang malasakit, kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran.

Sa National Capital Region Police Office na pinamumunuan ni NCRPO Acting Regional Director PBGen. Jonnel Estomo, mas pinaigting ang police visibility na naka-angkla sa kanyang S.A.F.E. NCRPO program.

Nagsimula na ring gumulong ang mobile police outpost na dinesenyo upang madali itong maililipat sa ibang lugar na nangangailangan ng presensiya ng pulis lalo na sa panahon ng mga espesyal na okasyon o aktibidad tulad ng Halloween, Undas o Semana Santa.

Ipinakita sa media nina NCRPO spokesperson PLtCol. Dexter Versola at PIO Chief PMaj. Anthony Alising ang isang prototype mobile outpost sa bungad ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Brgy. Tambo, Parañaque.

Magsisilbing standby area ng mga pulis ang mobile outpost upang agad silang malalapitan ng mga taong nangangailangan ng kanilang tulong o assistance.

Tututukan ng mobile outpost ang mga terminal, transportation hubs, at iba pang mga pampublikong lugar sa Kalakhang Maynila.

Sunod-sunod din ang mga operasyon ng NCRPO at iba pang distrito laban sa mga sangkot sa iba’t ibang krimen at illegal drugs, kabilang ang matagumpay na pagsagip sa mahigit 50 Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers sa Parañaque at Muntinlupa.

Sa harap ng samu’t saring hamon, nawa’y mapanatili ng PNP ang ‘peace and order situation’ sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Ang mag-pulis ay hindi talaga biro.

Ito’y dahil sa pagtupad sa tungkulin ay nagbubuwis pa ng buhay ang ilan sa kanila.

Tandaan na hangga’t may nagaganap na krimen sa kahit saang sulok ng bansa, hindi tumitigil sa pagtugis ng mga kriminal ang mga alagad ng batas upang mabigyang katarungan ang mga biktima.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

***

Gusto mo ba ng ayuda o tulong pangkabuhayan? Bet mo rin bang matuto tungkol sa pagsasaka at sa mga programang pang-agrikultura, atbp.? Aba’y tayo na’t manood at makinig ng “Barangay 882” sa IZTV (Channel 23) at DWIZ. Katuwang ang SM Foundation at iba pa, ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa DWIZ 882 FB page, IZTV/Radio, at Youtube DWIZ ON-DEMAND tuwing Sabado ganap na alas-4:00-5:00 ng hapon.

***

At para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa aking FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po at stay safe!