Advertisers

Advertisers

Sey ni Manay Lolit… Bea ‘di tinanggap ng madla sa unang serye sa Siyete

0 276

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HANGGANG ngayon ay talagang galit pa rin ang talent manager na si Lolit Solis kay Bea Alonzo.
Bida na naman kasi ang dalaga sa isa sa kanyang mga Instagram post nitong Miyerkules, Setyembre 28.
Ayon kay Manay Lolit, nanghihinayang siya dahil hindi raw masyadong tinanggap si Bea sa unang serye niya sa GMA na Start-up PH dahil mukhang mas matanda raw ito sa kaparehang si Alden Richards
Chika pa niya, baka raw muli na namang kumonsulta sa mga abogado ang team ng aktres kapag sinabi niya na dapat daw kasi ay mas bata ang ipinareha sa aktor.
“Baka mag consult sa lawyer na naman ang team Bea Alonzo pag sabihin ko na kasi naman dapat talaga mas bata ang partner ni Alden Richards, mga youngstars tulad nina Ysabel Ortega o Jillian Ward dahil Start Up, bagong graduate sa college na naghahanap ng trabaho.”
Aniya, mukha raw tiyahin si Bea kaya mas maganda kung si Yasmien Kurdi na lang daw ang inilagay sa role dahil kitang kita raw na mukhang haggard ang dating Kapamilya actress.
Hirit pa ni Manay Lolit, “Puwede kaya i consult sa lawyer kung paano mapapabata ang mukha ni Bea Alonzo? Sayang iyong Start Up PH kasi ang ganda sana ng project, bagay na bagay kay Alden Richards na ang guwapo at fresh na fresh tignan.”
Sey pa ng talent manager, kung hindi raw siguro si Bea ang naging ka-partner ni Alden ay baka raw naging bonggang bongga ang resulta ng Philippine adaptation ng Korean series na “Start Up”
Dagdag pa ni Manay Lolit, “Baka mas mataas ang rating at lalong dadami everyday dahil maganda ang pagkakagawa.”
Muli na maman siyang nagpasaring sa umano’y pagpapa-consult ng aktres sa abogado nito at muli na namang binalikan ang matagal na niyang hinaing sa aktres.
“Dapat consult a lawyer si Bea Alonzo para malaman why o why kailangan magpa cancel siya ng mga reporters sa kanyang presscon eh wala naman palang star power ang kanyang haggard beauty,” lahad ni Manay Lolit..
Ang yabang ng dating na magpa cancel ng mga writers sa presscon eh hindi naman nag rate program niya na pati si Alden Richards nadamay sa jinx na dala ng team Bea,” dagdag pa niya.
Sambit pa ng kolumnista, nawa’y magsilbi raw itong eye opener sa lahat ng mga artistang magpa-power play at tignan muna raw ang kakayahan bago ito mag-demand.
‘Pag wala naman star power, dapat mabait noh, huwag maarte. May pa cancel at consult a lawyer pang nalalaman,” banat pa ni Manay Lolit.