Advertisers

Advertisers

Barbie pumalag sa akusang kerida; Bela binash sa pag-iinarte sa project

0 217

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA latest vlog ni Barbie Imperial ay pinalagan nito ang nagkalat na tsika. Hinusgahan si Barbie na third party o kabit.
Kaya naman imbiyerna ang aktres sa mga nag-aakusa na siya ang naging hiwalayan ng couple na sina Carlo Aquino at Trina Candaza.
Naging sitsit at umugong sa showbizworld na si Barbie raw ang third party sa hiwalayan nina Carlo at Trina.
Nabuo ang hinala na siya ang dahilan ng hiwalayan ng couple dahil nagsama sa isang project sina Barbie at Carlo.
Naging malapit naman sa isa’t isa sina Carlo at Barbie dahil sa proyekto na kanilang pinagsamahan kaya nabuo ang suspetsa na may something sa dalawa.
Inalmahan ni Barbie ang bintang na siya ang mitsa ng hiwalayan ng magdyowa.
Kaya naman sa YTC nito ay pinagdiinan nitong di siya kahit.
***
SA socmed ni Bela Padilla ay may post ito kamakailan na may nag-offer sa kanya ng project after nung pandemic.
Kaso lang tila pamilyar na ito sa karakter na kanyang gagampanan.
Feeling nito ay nagawa na niya itong role na ini-offer sa kanya kaya niligwak ng writer director actress ang offer.
Namimili na raw kasi ito ng project na tatanggapin at huling na-watch sa serye si Bela sa Sino ang Maysala ‘Mea Culpa.’
Napanuod din siya sa movie na 366 na siya ang bida, writer at director.
Pero may mga netizen ang tila di nagustuhan ang pamimili ng project ni Bela kaya may mga nagtaray.
Napakasuwerte pa rin daw ni Bela na di katulad ng iba na walang raket.
Ito naman daw si Bela ay nag-iinarte pa sa pagtanggap ng project sa kabila na mahirap makahanap ng raket sa panahon ngayon.
Dapat daw ay pasalamat ito at siya pa ang napipili at di naman siya big star. pagtataray pa ng netizens sa pagiging choosy na ni Bela sa pagtanggap sa project.
Well, well, well…’Yun na!