Advertisers

Advertisers

Hindi basta nasisibak ang IAS chief

0 782

Advertisers

GINIGIBA si Atty. Alfegar M. Triambulo, ang matikas at diretsong Inspector General (IG) ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police.

Si Triambulo, 63 anyos, ay naitalaga sa puwesto pagkaupong pangulo ni “Rody” Duterte noong 2016. Bago siya napunta sa IAS, nagsilbi siyang regional director ng National Police Commission (Napolcom) sa Davao. Nagtapos siya ng kursong B.S. Criminology sa Manuel L. Quezon University (MLQU) at nagtapos ng abogasya sa unibersidad ding ito.

Sa kanyang anim na taon na ngayong panunungkulan sa IAS, naging mabilis ang proseso ng paglutas sa mga kaso laban sa mga pulis kungsaan hindi siya nakitaan ng pagkiling sa mga kaso.



Pero ngayong bago na ang administrasyon, may mga naghahangad sa sensitibong puwesto ni Triambulo. Pero dahil walang makitang butas sa kanyang liderato sa IAS, kinasuhan siya ng sexual harassment ng isang empleyada nito. Pero ang kasong ito na isinampa sa Office of the Ombudsman ay hindi tinanggap ng Ombudsman. Nag-“forum shopping” sa Napolcon at DILG.

***

Ang Inspector General ng PNP-IAS ay hindi covered ng Memorandum Circular No. 1. Wala ni isang opisyales ng PNP na appointed ng Presidente ang nire-rate ang performance ng Career Executive Service (CES) Board. In short, lahat ng PNP executive offices ay exempted sa CES ng Civil Service Commission (CSC).

Kahit ang CES eligibility ay hindi required para sa kanilang appointment/promotion. Ang Individual Performance Evaluation report (IPER) lang sa uniform at Individual Performance Commitment and Review (IPCR) sa civilian or non uniform ang isinusumite kada semester sa Chief PNP as Rater, pertaining to their individual performance.

Further, the position of Inspector Geneneral, the CPNP and all officers of PNP appointed by the President are not co-terminos or confidential or contractual. Generally, their retirement is upon reaching at the age of 56 sa uniform at sa Inspector General ay 65 being a civilian. Tulad ng kaso ng unang IG ng IAS na si Atty. Alexis Canonizado, nagretiro siya sa edad na 65.



Ang IAS ay nasa ilalim ng opisina ng Chief PNP as personnel staff nito. Hindi co-terminos or confidential ng CPNP or ng Presidente.

Ang appointment ng taga-IAS ay permanent at ang retirement ay compulsary sa edad na 65.

Ibig sabihin, sa ilalim ng ating Konstitusyon, may security of tenure lahat ng personnel ng IAS or PNP in general. Matatanggal lang sila for cause and only after a proceedings/trials kung ang desisyon ay removal from service. That’s it!

***

Nagmistulang abogado ni Vice President Sara Duterte-Carpio si Senador Win Gatchalian sa pagdinig ng Senado sa budget ng Department of Education na pinamumunuan ng anak ni dating Pangulong Rody Duterte.

Sabi ni Sen. Gatchalian, para sa kanya, marapat lamang aprubahan ang P150 million na hinihinging “confidential o intelligence fund” ni VP Sara dahil malawak daw ang sakop ng DepEd. Mayroon daw itong 23 million estudyante, 50,000 schools at 800,000 teachers.

Ang DepED ay may proposed budget na higit P700 billion.

Kung may mga paglalaanan ng P150m si VP Sara, bakit kailangan pang itago sa “intel fund”. Dapat i-itimize nya, klaruhin kung para saan ang napakalaking halagang ito. Dapat transparent para ‘di magdududa ang mamamayan kung saan dadalhin ang taxpayers money na ito.

Batid natin na ang intel o confidential funds ay hindi inu-audit. Kaya hindi mawawala sa isipan ng ating mga kababayan na ang pera nila’y ibinubulsa lang ng mga opisyal ng pamahalaan.

Kung tunay na sa tamang programa nga ilalagay ni VP Sara ang hinihirit niyang intel fund, ihayag niya kung ano ito. Bakit kailangan pang itago? Suprise program ba ito? Hehehe…