Advertisers

Advertisers

Kuya Boy handang magbenta ng bahay para kay Mariel; Sen. Robin tagumpay ang heart operation

0 171

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

HANDANG ibenta ni Boy Abunda ang kanyang bahay para matulungan ang dating alaga at anak-anakan na si Mariel Rodriguez-Padilla.
Sa latest vlog ni Mariel ay nag-prank siya sa ilang kaibigan at isa nga sa nabiktima niya ay ang dating manager.
Ayon kay Mariel pinagbawalan na siya before ni Kuya Boy na huwag magpa-prank sa vlog, kaya naman naniwala agad ang King of Talk sa mga sinabi ng dating alaga.
Bago tinawagan ni Mariel si Kuya Boy ay nag-isip muna ng script na sasabihin. Ang naisip niya ay manghiram ng P5 million dahil sa inorder niyang isang truck ng beef at hindi dumating ang kanyang pera na inaasahan.
That time nang tawagan ni Mariel si Kuya Boy ay nasa isang zoom meeting ito at nag-excuse muna ito sa mga kausap para kausapin si Mariel.
At dito na nga sinabi ni Mariel ang inihandang prank script.
“Tito Boy, I have a problem. I`m in trouble. Because `di ba I have the Cooking Ina Food Market and so I ordered a container of beef, It`s coming in already and I already paid 50% of the beef,” say ni Mariel.
“I was expecting money to come but it didn`t so I need to come up with P5 million, If not, I won`t be able to get it then maba-blacklist ako and you know, the contract won`t go through, I don`t wanna tell Robin. He`s gonna get mad at me,” patuloy ni Mariel.
Ang sagot naman ni Kuya Boy ay mag-usap sila uli pagkatapos ng meeting at nangakong tutulong kay Mariel.
Dito na ibinunyag ng misis ni Robin Padilla na, “It`s a prank.”
“Tito Boy, I hope that you`ll love me forever, this is a prank. I love you so much, bumalik ka na sa meeting mo. Sobrang sorry. Hindi ko kailangan ng P5 million,” say ni Mariel.
“No, no. I will,” say ni Kuya Boy na tila hindi na narinig na prank lang yun kaya inulit-ulit ni Mariel na, “Tito Boy, this is a prank!”
Doon pa lang naintindihan ni Kuya Boy at nasabi na lang niya, “oh my God, no, I will sell my house for you.”
Na-guilty at na-touch naman si Mariel kaya panay hingi ng sorry kay Kuya Boy.
“No problem, but you take care. Whether it`s health or money, alagaan mo ang sarili mo. Whether it`s a prank or not. I will help you,” say naman ni Kuya Boy.
***
Tagumpay ang heart operation ni Robin
Marami ang nagulat sa post ni Mariel Rodriguez na sumailalim sa heart procedure ang husband na si Senator Robin Padilla.
Matatandaang nung nakaraang June ay sinugod si Robin sa hospital habang nagbabakasyon silang pamilya sa Spain.
Post niya noon na, “Napakahirap intindihin ng nangyari sa akin. Wala ako kahit anong sakit pero bigla na lang ako nawalan ng lakas sa tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno.
“Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong-hilo ako. May espanyol ako na naririnig ko sa paligid ko.“
“Kinakausap ako parang nais niya akong alalayan ilang sandali ay lumiwanag ang paningin ko, Nanumbalik ang lakas ng tuhod ko.
“Dahan-dahan ako tumayo, inalalayan ako ng espanyol. Hindi ko siya maintindihan kaya sabi ko lang salamat senor.
“Hinanap ko kung nasaan ang asawa ko. Nakita ko ang 2 namin kapamilya kasama si gabzy na himbing na himbing sa kanyang stroller. Wala si Mariel kasama si Isabella na nakasakay sa isa sa mga rides. Nahihirapan na ako huminga.
“Bumibigat ang dibdib ko, Kailangan ko na pumunta sa ospital.
“Nagpaalam ako kay gabzy at sa mga kapamilya. Hilong-hilo na naman ako. Pinilit ko maglakad hanggang sa entrance.
“Wala akong makitang taxi, nag-message ako sa kababata ko na sunduin ako at magdala ng taxi.
“Nag-message din ako kay Sir ambassador LHUILLIER na tulungan ako makapunta sa ospital. Nararamdaman ko na naman na nawawalan ng lakas ang tuhod ko, Parang babagsak na naman ako Pagtingin ko sa kaliwa ng entrance gate nakita ko ang clinic.
“Pinuntahan ko agad ito, pumasok at sinalubong ako ng nurse na marunong mag Inglis. Sinabi ko sa kanya ang nangyayari sa akin. Pinaupo niya ako kinunan ng BP.
“200/150. Nagulat ang nurse. Inulit ganon ulit, Nagdesisyon siyang tumawag ng ambulance.
“Ilang saglit dumating na si Mariel at si Isabella. Nagkaroon ako ng ngiti at nakabawas ng pagkagulo ng isip. Pinainom ako ng pangbaba ng blood pressure pero walang pinagbago.
“Dumating ang ambulansiya. Sinaksakan ako ng dextrose/ecg. Unti-unti umepekto ang gamot.
That time ay hindi pa siya nagsisimulang magtrabaho sa Senado.